Sina Barbie Forteza at Marian Rivera
Manager ng mga artista daig pa ang mga magulang!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2019 - 12:00am

Alam mo Salve na kapag manager ka, parang anak ang tingin mo sa mga alaga mo. ‘Yung kapag masaya sila, happy ka rin at kapag sad sila,malungkot ka rin.

So I can just imagine kung gaano ka-happy si Perry Lansigan nang manalo na Best Actor si Dingdong Dantes at Best Supporting Actress si Max Collins sa The Eddys.

Sure ako na proud na proud at napalundag sa tuwa si Perry. Ganyan din ang nakita ko na feeling ni Rams David pag may mga problema o milestone ang kanyang mga alaga na sina Marian Rivera at Maine Mendoza.

Aligaga si Rams at hindi mapakali kapag nalalagay sa intriga ang babies niya kaya kahit sabihin na trabaho lang ang maging manager, hindi puwede dahil emotionally affected sila sa mga nangyayari sa kanilang mga alaga na parang mga anak na ang turing nila.

Like a mother to a child, kasama ang mga manager sa happiness at sadness, sa journey sa buhay ng kanilang mga alaga.

Congrats Perry para sa dalawang acting trophies nina Dingdong at Max. Congrats Rams para sa new projects for Maine and Marian.

Overnight napkin swak na pang-biyahe

Kaloka, Salve si Budingding ni Sandara Park, type talaga niya na mag-travel ako in comfort kaya ni-recommend niya para gamitin ko ang Grand, ang Sisters Napkin Overnight Dry na mas mahaba ang size, 340mm, kesa ordinary napkin na produkto ng Megasoft, ang company ng friend natin na si Aileen Go.

Talaga raw makapal at mahaba ang Grand kaya hindi ako magkakaroon ng discomfort sa pagmamadali na makahanap ng restrooms.

Ang Grand ay para sa mga senior na tulad ko na every hour yata naiihi.

Sa palagay ko, ang Grand adult diaper ang dapat na bilhin at gamitin ng mga senior citizen na katulad ko dahil makapal at malapad nga.

Pero Ms. Aileen Go, may mga request na magkaroon sana ng sale, gaya nang dati na buy 1 take 1 ang mga adult diaper product ninyo  para makamura ang mga lola na kagaya ko.

Barbie parang Korean ang kutis

Thank you kay Barbie Forteza at sa mag-asawang Christopher Roxas at Gladys Reyes dahil nag-guest sila sa Take It... Per Minute! (Me Ganun) noong Martes.

Bongga talaga si Gladys na hindi matalo sa dami ng mga tsika habang tahimik lang ang kanyang Papa Christopher na bida na sa Tabon, ang indie movie na mula sa direksyon ni Xian Lim at official entry sa 2019 Cinemalaya Independent Film Festival.

Ang ganda pala ng kutis ni Barbie dahil para siyang Korean girl na walang pores ang mukha at totoo ka, ang husay niya sa kanyang impersonation kay Kris Aquino ha?

Kuhang-kuha niya ang pagsasalita at mannerisms ni Kris kaya aliw na aliw ako.

Hindi ako nainip at talagang touching ang guesting ni Barbie dahil may dala pa na cake ang GMA Artists Center staff. Ang Artists Center ng GMA ang namamahala sa career ni Barbie na medyo nabawasan ang hectic schedule dahil natapos na ang Kara Mia, ang primetime show niya sa Kapuso Network. Feeling love talaga tayo ni Mama Angel Javier at Marian Domingo dahil sa cake na kanilang ipinadala. Thank you talaga.

DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with