May-December affair biglang nauso sa pelikula!
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2019 - 12:00am

Isa ang pelikula nina Sunshine Cruz at Enzo Pineda na Malamaya sa mga inaabangang mapanood sa Cinemalaya 2019 na gaganapin sa August 2 hanggang 13 dahil sa mapusok nilang mga eksena at ang ginawa nilang paghuhubad. Mula ito sa direksyon nina Danica Sta. Lucia at Sandra del Rosario.

Samantala, bukod kina Sunshine at Enzo, isa rin ang pelikulang Belle Douleur nina Mylene Dizon at Kit Thompson sa mga gustong mapanood, mula naman ito sa produksyon ni Atty. Joji Alonso.

First time na magkasama nina Mylene at Kit sa isang May-December romance film at ganundin sina Sunshine at Enzo.

Nauna nang magkaroon ng ganitong pelikula sina Angel Aquino at Tony Labrusca na talaga namang ikinagulat ng sambayanan. Hindi tuloy maiiwasan na ipagkumpa-kumpara ang dalawang bagong pelikula sa nauna.

Hindi rin naman nagpahuli ang Pista ng Pelikulang Pilipino 3 na gaganapin mula September 13 hanggang 18, pagdating sa ganitong eksena. Ang isa sa napili nilang entry, ang Cuddle Weather na sinasabing may daring scenes din between their stars Sue Ramirez and RK Bagatsing.

Todo na ang ginawa ng mga direktor sa bawat pelikulang kanilang isinali para lamang mapaganda ang mga ito. Nais kasi nilang mas kumita pa ito at tangkilikin ang pelikulang Pilipino. Hindi na kasi maispeling ng mga producer kung ano ba talaga ang hanap ng mga Pinoy sa isang pelikula. Hindi naman nagkukulang ang ating local films sa ganda ng mga kuwento na ginagamit at galing ng mga artista na gumaganap. 

Derek tutok sa pag-aalaga kay Andrea

Pinatunayan lamang nina Derek Ramsay at Andrea Torres na sila ang pinaka-daring na Kapuso artists. Hindi lamang ang roles nila ang daring sa serye nilang The Better Woman, kung hindi maging ang physical appearance nila.

Pagandahan ng katawan ang dalawa. Masuwerte naman si Andrea sa kanyang leading man dahil nag-e-effort ito para hindi magmukhang bastos ang mga ginagawa nilang love scenes.

Derek takes very good care of Andrea, he makes it a point na hindi ito masyadong exposed kapag kailangan nitong magtanggal ng damit lalo’t walang kiber ang aktres sa mga ganitong exposure.

Sa mga eksena ni Andrea sa surfboard na ayaw gumamit ng double ay hindi siya hinihiwalayan ng tingin ni Derek.

Napapanood ang The Better Woman, Lunes hanggang Biyernes sa GMA-7, pagkatapos ng Sahaya.

McCoy at Maris nagpakita ng chemistry

Sa kabila naman ng hindi nila magandang paghihiwalay, okay pa rin daw kay McCoy de Leon na makasamang muli sa trabaho si Elisse Joson. 

Samantala, hindi pa rin nawawala ang chemistry nilang dalawa ni Maris Racal nang mapanood sila sa isang episode sa Maalaala Mo Kaya. Nabuhay tuloy muli ang dugo ng kanilang mga tagahanga.

Sino ba ang makapagsasabi? Malay natin, baka sila pala talaga ang itinakda na maging magkapareha, lalo na ngayong wala silang sabit na dalawa. loveless pareho.

Personal…

Natutuwa ako para sa katotong si Aster Amoyo na ang Celebrity Talk segment niya sa dating Walang Tulugan ni Kuya Germs ay matagumpay niyang maipagpapatuloy sa isang online program. Mapapanood ang Celebrity Talk tuwing Lunes, 12-1 NH, sa FB at YouTube. Bukod sa pagiging isang entertainment writer, isa ring matagumpay na entrepreneur at businesswoman si Aster.

Binabati ko rin ang mga ka-PMPC kong sina Benny Andaya, at Ronald Rafer na luminya na ngayon sa pagdidirek ng pelikula at si Roldan Castro na isa na ring matagumpay na producer ng mga shows at mayro’n ding hinu-host na online programs, ganundin sina Fernan de Guzman, Mildred Bacud, Rommel Placente, Boy Romero, Blessie Cirera at Rodel Fernando for venturing into other fields other than movie writing.

ENZO PINEDA SUNSHINE CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with