direk Toto Natividad
Direk toto sa pelikula na abala
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2019 - 12:00am

SEEN: Ang balita na nakatanggap ng “callback” ang Kapuso actress na nag-audition sa Darna pero hindi na siya bumalik dahil isang paglabag ito sa kanyang exclusive contract na pinirmahan.

SCENE: Reunited sina Ken Chan at Rita Daniela sa One of the Baes, ang upcoming primetime television series ng GMA 7.  Nabuo ang loveteam nina Ken at Rita sa My Special Tatay, ang nagwakas na afternoon drama series ng GMA 7. Co-stars nina Ken at Rita sa One of the Baes sina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Maureen Larrazabal, Roderick Paulate, Archie Alemania, Edgar Allan Guzman at Buboy Villar.

SCENE: Magaganap ngayong hapon ang story conference ng isang pelikula na official entry sa 2019 Metro Manila Film Festival. May pagbabago sa cast ng pelikula dahil may bida na papalitan.

SEEN: Overwhelmed ang social media sensation at Social Media Sweetheart na si Donnalyn Bartolome dahil isang milyon na ang subscribers ng kanyang YouTube Channel. Ipino-promote ngayon ni Donnalyn ang ‘Di Lahat, ang bagong single niya sa Viva Records.

SCENE: The Big One ang pamagat ng bagong pelikula ng direktor na si Toto Natividad. Ang shooting ng The Big One ang pinagkakaabalahan ni Toto dahil shelved ang Rosang Agimat, ang project niya sa GMA 7 na naapektuhan ng pagpanaw ng veteran actor na si Eddie Garcia.

SEEN: Disappointed ang ina ng isang popular actor dahil nagmukhang katawa-tawa ang kanyang anak sa bagong project nito. Ang estranged husband ng aktres ang tumanggap ng project para sa kanilang anak na hindi makakatulong sa showbiz career nito.

TOTO NATIVIDAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with