^

PSN Showbiz

Aktres nagpanggap na ‘patay’ nang lapitan ng fans

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming nagugulantang sa kakaibang ugali na ipinakikita ng isang kilalang female personality. Hindi lang pala siya nakagugulat sa mga ipino-post niya sa kanyang mga social media account, sa personal ay mas nakakalukring siya, napakalaki raw ng ipinagbago ng female personality.

Sangkot sa isang kuwento sa airport ang aktres na ito, siya ang tinutukoy sa istoryang may gustong magparetrato sa kanya, pero nagkunwari siyang natutulog.

Kuwento ng source, “Kung sana, e, totoong tulog siya! Kaso, nu’ng papalapit na ang makikipag-selfie sa kanya, e, saka lang naman siya biglang kunwari, e, tulog na tulog!

“Kitang-kita sa malayo nu’ng una na nakikipagkuwentuhan pa siya sa phone, tawa pa siya nang tawa, pero nu’ng makita na niyang papalapit ang grupong magpapa-picture sa kanya, e, bigla na lang siyang napabulagta sa handcarry niyang bag!

“Hindi ba naman kalukringan ang ginawa niya? Buhay na buhay siya, pero bigla na lang siyang nagmukhang patay, dahil bigla siyang sumubsob sa bag niya?” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Matindi rin ang pagkagulat at pagkasuya sa kanya ng isang kasamahan niyang artista na inisnab-isnab niya sa isang lugar nang magtagpo sila.

Balik-kuwento ng source, “Nalokah ‘yung kasamahan niyang aktres dahil binati pa siya nang malapitan nu’ng tao, pero ni hindi siya nagbigay ng kahit anong reaction!

“Pahiyang-pahiya ‘yung female personality sa sarili niya dahil pinanood pa naman niya ang movie nu’ng malditang aktres, pero deadma-to-the-max lang sa kanya!

“Ano ba namang nag-thank you man lang siya, di ba, dahil nag-effort ‘yung aktres na panoorin ang movie niya sa premiere night! Ewan kung bakit ganu’n kamaldita ang babaeng ‘yun!

“Kahit ang mga kasabayan niyang artista, e, nagugulat din sa kakaibang ugali na niya ngayon. Napakalaki na raw ng ipinagbago niya, parang ang feeling niya, e, kaya na niyang mabuhay nang mag-isa sa mundo!

“Wala ngang ginawa ang babaeng ‘yun kung hindi ang mag-post ng mga hugot niya sa buhay, di ba? Kaya siguro siya iniiwan ng mga karelasyon niya, e, dahil sa ugali niyang deadma kung deadma!

“Hindi bagay sa kanya ang name niya, sa totoo lang, dahil sa kakaiba niyang ugali na ang nanay lang niya ang makatatanggap! Hanggang ngayon, kapag siya na ang pinag-uusapan, e, inis na inis pa rin sa kanya ‘yung female personality na inisnab-isnab niya!” pagtatapos ng aming impormante.

Ion pinagdududahan pa rin ang intensiyon kay Vice

Napakahirap din ng sitwasyon ni Vice Ganda. Kahit pa sa sabihin niyang maligaya siya ngayon dahil kay Ion Perez ay marami pa ring nagdududa sa intensiyon sa kanya ng modelo.

Para sa mas nakararami, ang tingin daw sa kanya ng binata ay isang wallet na punumpuno ng laman, pera lang daw ang dahilan kung bakit nakipagrelasyon sa kanya si Ion.

Sabi pa ng isang nagmamalasakit kay Vice Ganda sa social media, “Nakakaawa naman si Vice. Mag-iipon ‘yung lalaki, tapos, iiwan din siya! Para lang siyang bank na withdraw lang nang withdraw ‘yung lalaking mahal daw niya!

Komento naman ng isa pa, “Ang greatest love of all ni Vice, e, si Terrence Romeo! Hanggang ngayon, sobrang mahal pa rin niya ‘yung basketball player na minsang na-link ang pangalan sa kanya.”

Mahirap husgahan ang relasyon nina Vice Ganda at Ion. Marami kaming alam na kuwento tungkol sa katulad ng kanilang pagmamahalan na nagtagal nang maraming taon kundi man dekada.

Walang kahit sinong nakakaalam kung ano ang tunay na intensiyon ni Ion Perez kay Vice, ito lang at ang komedyante ang nakakaramdam ng totoong sitwasyon nila at labas ang publiko sa anumang meron sila ngayon.

Ang mahalaga ay maligaya ngayon si Vice Ganda, kaligayahang tanging kay Ion Perez lang nagmumula, kulay rosas ang kanilang mundo ngayon.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with