^

PSN Showbiz

Pagtulog sa motel noon ni Barbie, naungkat!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Pagtulog sa motel noon ni Barbie, naungkat!

Gladys ‘di malimutan ang pang-iisnab ng isang aktres

As usual puno ng tawanan, intrigahan at laglagan ang episode ng digital show ng Pilipino Star NGAYON na Take It... Per Minute (Me Ganun) nina Manay Lolit Solis and Manay Cristy Fermin with Mr. Fu kahapon.

Bukod pa sa naging guest sina Barbie Forteza at ang mag-asawang Gladys Reyes and Christopher Roxas.

Yup, bongga ng episode kahapon. Tatlo ang guest.

Kaya naman literal na ang saya-saya.

Nagkasama na sina Barbie, Gladys and Christopher sa isang Kapuso comedy serye na Inday Will Always Love You kaya umaatikabo ang tsikahan kasama ang tatlong beteranong host.

Naalala lang ni Gladys na takot nung lumangoy si Barbie kasama ang butanding nang mag-taping sila sa Cebu para sa Inday...

Pero sabi nga ni Gladys, sino nga naman ang hindi matatakot sa butanding lalo na nga’t hindi mo naman puwedeng sampalin o paluin o ingud­ngod pag gusto ka nang lapain.

After ng Inday... ay ginawa ni Barbie ang Kara Mia na almost a month nang nagpaalam sa ere. Wala pang panibagong show si Barbie. Ang pino-promote pa lang niya sa kasalukuyan ay ang gagawin niya para sa programang Wagas kasama ang real life boyfriend niyang si Jak Roberto.

Tanong nga sa kanya, “package deal na ba sila ni Jak?” “Sana nga po,” sagot naman ng Kapuso young actress na sa showbiz na nagdalaga. Kaya noon sa Laguna pa ang bahay nila ay nagmo-motel daw sila. Hehehe. Na ang kuwento ay pag wala na silang oras na magbiyahe sa Laguna sa motel na sila tumutuloy na mag-anak para makapahinga na ginawan ng ma­lisya ng mga nakakita.

Anyway, two years na sila ni Jak at obvious naman na masaya siya sa relasyon sa kapwa niya Kapuso star.

And one thing in common nga pala nila ni Gladys, pareho silang mga mala-labanos ang balat. As in super kikinis.

Parang hindi dinapuan kahit kailan ng lamok dahil sa pag-aalaga sa kanila ng mga nanay nila.

Si Gladys noon alam ng lahat sa showbiz na hindi umaalis ng bahay na walang baong kulambo para makaiwas sa kagat ng kahit anong insekto kahit saan siya magpunta.

Si Barbie ay halos ganundin ang ginawang pag-aalaga ng mga magulang kaya naman talagang flawless all the way ang mga balat nila. Walang daya.

Si Gladys ay may gagawin namang Madrasta na starring si Ara San Agustin na magiging launching vehicle ni Ara.

At si Christopher ay kakatapos lang ng pelikulang Tabon na tungkol sa isang kulto.

Kuwento at dinirek ni Xian Lim ang Tabon na official entry sa gaganaping Cinemalaya next month. Bilib si Christopher na bukod daw sa pagiging direktor nito, inaarte rin muna ni Xian ang mga gustong atake bago mag-take.

At kahit manager ni Gladys si Nay Lolit, binuko nito ang baong blind item ni Gladys. Hehehe.

Nanood daw siya ng pelikula ng isang aktres at in all fairness, nagandahan naman siya. So kinongratulate niya ito. Pero dedma raw si aktres kahit alam nitong kaibigan siya ng BF noon ng actress.  Ok na raw sana kahit di tanggap ni Gladys pero mas naloka siya nang makita niya ito sa parking at nagpa-picture ang kapatid niya. Hindi na naman daw ito nambati as in super isnab.

Hahaha. So tawanan talaga dahil mismong si Nay Lolit ang nambuko na ang actress ay si... Angelica Panganiban.

Isa lang ‘yun sa maraming laglagan portion na naganap kahapon sa TIPMMG. Sa mga hindi pa nakakapanood, please like, share and follow Pilipino Star NGAYON Facebook page.

vuukle comment

TAKE IT... PER MINUTE (ME GANUN)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with