?Aurora
Miss International Crown ipinasusubasta
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - July 17, 2019 - 12:00am

SEEN: Up for auction ang Miss International Mikimoto pearl crown ni Aurora Pijuan, ang pangalawang Pilipina na nanalo na Miss International noong 1970. Ibibigay ni Pijuan bilang tulong sa mga mangingisda na biktima ng mga Chinese ang pera na kikitain niya mula sa korona na kanyang ibebenta. Binangga ng Chinese vessel ang bangka ng Filipino fishermen sa West Philippine Sea noong June 9, 2019.

SCENE: May Mikimoto pearl crown din si Melanie Marquez, ang 3rd Fili­pina na nanalo na Miss International noong 1979. Hindi na buo ang Mikimoto crown ni Melanie dahil ipinagawa niya ito na personal jewelries niya.

SEEN: Noong Lunes, July 15, ang last taping day ng cast ng Dragon Lady, ang afternoon drama series ng GMA 7 na magwawakas sa darating na Sabado, July 20, 2019.

SCENE: Kahit may iba nang boyfriend si Maine Mendoza, ginunita pa rin kahapon ng loyal AlDub fans ang 4th anniversary ng phenomenal loveteam nina Maine at Alden Richards. Hindi nawawalan ng pag-asa ang AlDub fans na magkakaroon uli ng project na magkasama sina Maine at Alden.

SEEN: Hindi lamang si Arnel Pineda ang special guest sa Julie Sings the Divas, ang concert ni Julie Anne San Jose sa The Theatre ng Solaire Resort & Casino sa July 20 dahil performers din si Maricris Garcia, ang UP Archo String Orchestra at ang UP Concert Chorus.

AURORA PIJUAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with