Aktres walang kapares ang kaartehan sa buhay
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - July 17, 2019 - 12:00am

Kung mga kalukringan sa buhay ang pag-uusapan, para sa magkakaumpukang taga-showbiz isang gabi ay wala nang makatatalo pa sa isang female personality, siya na ang mayhawak ng korona ng kalukringan.

Hindi na siya bagets, pero may asim pa naman ang kanyang edad, maraming kuwentong bumabalot sa kanyang pagkatao na kadalasan ay hindi maintindihan ng kanyang mga nakakatrabaho.

Mainitin ang kanyang ulo, maarte siya, marami siyang hinahanap sa set at masyado siyang makuda. Halos wala siyang kasundong make-up artist at hairdresser dahil parang mas marunong pa siya kesa sa mga ito.

Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Nakakailang dekada na ako sa trabahong ito, pero kung ako ang tatanungin n’yo, e, wala nang mas aarte pa kesa sa isang female personality na ilang beses ko nang nakakasama.

“Ibang klase siya, para bang siya na ang pinakamatalinong tao sa balat ng lupa, alam niya ang lahat, wala siyang hindi alam! Palagi siyang may kuda! May ipinagagawang eksena sa kanya, kung anu-anong tanong muna ang ibabato niya sa production staff!

“Hindi siya puwedeng kontrahin, ha? No, no ‘yun sa vocabulary niya! Palaging siya ang tama, wala siyang pagkakamali sa buhay, kaya perfect siya!” unang komento ng aming source.

Hirap ang produksiyon sa paghahanap ng mag-aayos sa kanya, marami na silang nakakausap pero tumatanggi, kapag nalalaman nila na ang maarteng female personality ang pagseserbisyuhan nila.

Sabi naman ng isa pang impormante, “Nu’ng magpaulan ng kaartehan ang langit, e, napakara­ming nasambot ng babaitang ‘yun na napakahirap ispelengin ng ugali! Hindi mo alam kung paano mo siya mapapasaya dahil sa lahat na lang ng bagay, e, may reklamo siya!

“Ayaw na siyang makatrabaho ng mga make-up artist, ang mga hairdresser naman, e, ganu’n din, dahil nang-aagaw siya ng brush para i-demonstrate niya kung paano ang tamang pag-aayos ng buhok!

“Saan ka naman makakakita ng ganu’ng personality? Kuda siya nang kuda, wala siyang kasiyahan, parang wala siyang nakikitang tama na ginagawa ang mga katrabaho niya!

“Ayaw niya sa maingay na paligid, ayaw niya sa mga taong sumisigaw, pero siya mismo, e, akala mo ambulansiya ang bibig sa pagtungayaw! Ibang klase siya, mahirap siyang katrabaho!

“Naku, foreigner lang talaga ang magkakagusto sa ugali niya, dahil kung Pinoy ang makakarelasyon niya? Baka isang araw, dahil sa sobrang inis sa kanya nu’n, e, itulak na lang siya sa pusali!” madiing pagatapos ng aming source.

Ubos!

Arjo kulang sa respeto?!

Dahil tunay na magaling umarte si Arjo Atayde ay palaging kasama ang kanyang pangalan sa listahan ng mga nominado sa iba’t ibang award-giving bodies.

Hindi maaaring isnabin ang pagganap ng anak ni Sylvia Sanchez, napaka-natural niyang gumalaw at magdeliber ng mga linya, kakambal ng inunan ni Arjo Atayde ang pagiging aktor nang ipanganak siya.

Sa The General’s Daughter ay inaabangan siya, mahirap ang papel na ginagampanan niya sa serye, pero naitatawid niya ‘yun nang napakahusay. Natural, simple, tumatagos sa puso ang pagganap ng binatang aktor.

Bida man o kontrabida ay binibigyan na ng magandang laban ni Arjo ang mga mas nauna pang artista kesa sa kanya. Bagong panganak pa lang siya sa mundo ng pag-arte pero parang napakatagal na panahon na siyang humaharap sa mga camera.

Pero isang makabuluhang payo lang para kay Arjo Atayde, sana’y bigyan niya naman ng importansiya ang mga grupong nagbibigay ng parangal sa mga karapat-dapat na artista, sana’y maglaan naman siya ng panahon para dumalo sa mga gabi ng parangal.

Hindi naman lahat ng mga personalidad ay nabibigyan ng pagkakataong umangat ang talento sa kanyang mga kalaban, bibihira ang tulad niya na sa napakaagang panahon ay kinikilala na, kaya dapat niya namang suklian ‘yun ng pagpapahalaga.

Ilang beses nang kinikilala ang kanyang pagganap, pero hindi siya dumadalo, idinadaan niya sa social media ang kanyang pasasalamat sa parangal na ibinigay sa kanya.

Hindi sapilitan ang pagdalo sa mga gabi ng parangal, pero ang tawag du’n ay respeto, pagbibigay-importansiya ang ibig sabihin ng personal na pagpunta sa mga gabing espesyal na ginaganap para kilalanin ang talento ng mga artista.

Konting respeto lang. Konting effort. Matalo-manalo, ang importante ay nandu’n siya, bilang pasasalamat sa grupong nagbigay ng pagpapahalaga sa kanyang kapasidad.

ARJO ATAYDE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with