Angelica Panganiban at bf
Bagong dyowa ni Angelica hawig ni John lloyd
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 16, 2019 - 12:00am

Uy may hawig kay John Lloyd Cruz ang sinasabing bagong karelasyon ni Angelica Panganiban.

Sa mga photo nito sa social media, lutang ang pagkakahawig ng lalaki sa ex ng actress na matagal niyang iniinda ang kanilang hiwalayan noon.

Kumalat ang nasabing photo ng sinasabing dyowa ni Angelica.

Ipinost kasi ng guy na ito na may handle name na luck_inthev na ang user name ay Luckson.

Nasa caption  ng nasabing photo nila ng actress na “hugs are important” at naka-tag si Angelica.

Guwapo naman at wish ng lahat na tama ang hula ng iba na ito na nga yung magpapaligaya sa actress na kamakailan ay hindi tinago ang naramdaman sa naudlot na balikan nila ni Carlo Aquino.

Isa siyang foreign singer na ang mga kanta sa Spotify ay classified as ‘explicit.’ Marami na siya actually na kanta sa Spotify.

Ito na kaya?                   

ANGELICA PANGANIBAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with