Pagiging casting director nakakainggit!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - July 16, 2019 - 12:00am

Sure ako na tanghali na nagising kahapon sina Salve at ang talent coordinator ng Eddys na si Gorgy. Napuyat sila sa Eddys noong Linggo at sure ako, natulog sila with smiles on their lips dahil successful ang awards night ng SPEED na si Ian ang presidente at VP si Salve at Tessa.

One thing na miss na miss ko talaga ang pagi­ging casting director ng awards night. Ito ang bale pinaka-exciting na trabaho ko noong hindi pa ako nabaliw at gumawa ng nakakahiyang scam.

Excited na excited ako every December sa Parade of Stars at Gabi ng Parangal. Para bang test sa PR ko ang pag-invite ng presentors at perfor­mers.

Talagang pini-personal ko ang pag-invite at paglalambing para perfect attendance ang lahat.

Ang musical number nina Gabby Concepcion/Sharon Cuneta, ang pagkanta ng Handog nina Eddie Garcia at Robin Padilla, ang pag-present ng award nina Fernando Poe, Jr., Rudy Fernandez at Bong Revilla, Jr., mga combination na mahirap gawin pero nagagawa namin. Those were the days.

Ewan ko ba kung bakit enjoy na enjoy ako lalo na kapag natapos na ang  awards night at blow out na, enjoy na enjoy ako.

Sure ako, ‘yan ang feeling nina Salve at Gorgy, pati ang  tension na late ang mga artista, ang nerbyos na baka hindi sila dumating. Ay naku, mahimbing ang tulog nila at late ang gising.

Inggit ako to the max dahil after ng scam noong June 1994, hindi na ako nag-attend ever ng anumang awards night dahil ito ang parusa ko sa sarili ko at sa kasalanan na ginawa ko.

Joy at Abby parang bahay na inaalagaan ang QC at Makati!

Ang mga new breed of mayor ngayon ang future Rodrigo Duterte dahil sila ang binabantayan ng mga tao para sa mga magagawa nila sa mga city na kanilang pinamumunuan.

Naghihintay ang mga tao kung tulad nang ginawa ni Papa Digong sa Davao City noong mayor pa siya, magagawa rin ba ito sa kanilang siyudad ng mga mayor na bagong upo sa puwesto?

Sa ngayon, nakatutok ang atensyon ng lahat kina Manila City Mayor Isko Moreno at Pasig City Mayor Vico Sotto pero nalilimutan natin ang mga female mayor gaya nina Makati City Mayor Abby Binay at Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Nasanay na rin ang mga Pilipino na magkaroon ng mga babae na residente kaya hindi kataka-taka na nakabantay din sila kina  Abby at Joy.

Sa case nga ni Abby, ang lakas ng dating ng sinabi ni Isko na gagawin at dadalhin nito ang Makati sa Maynila.

Isa itong patunay na napansin ni Isko ang sobrang progress ng Makati City.

Malaki ang Quezon City, may mga problema rin pero sanay na sanay na si Mayor Joy dahil nahasa siya nang husto sa maraming taon na panunungkulan niya bilang vice mayor.

Tiyak ko na ang mga female mayor ng Makati at Quezon City, parang ang mga sariling tahanan lang ang pagpapalakad nila sa mga nasasakupan na siyudad, unti-unti pero sigurado.

At parehong mga nanay sina Mayor Joy at Ma­yor Abby na naka-focus ang security ng kanilang mga anak kaya gusto nila ng safe na kapaligiran.

Hay naku, magaganda ang mga magiging choices natin kung sakali dahil young, aggressive at very focus ang mga bagong mayor, our future, our hope.

EDDYS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with