JC Santos at Arci Muñoz
Arci at JC naglasing muna bago naging mapangahas
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - July 16, 2019 - 12:00am

Magkatambal sa pelikulang Open sina Arci Muñoz at JC Santos. Isa ito sa mga kalahok sa ikatlong taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino na mapapanood sa mga piling sinehan simula September 13 hanggang 19. 

Ayon kay Arci ay talagang tumodo ang kanyang pagpapaseksi sa bagong proyekto. “Ako nga na-shock eh. Sabi ko kay direk Andoy (Ranay), ‘Direk, papatayin ako ng nanay ko.’ Mama, ‘wag kang manood nito,” nakangiting bungad ni Arci.

Para sa dalaga ay talagang mapangahas ang tema ng kanilang bagong proyekto pero maganda ang istorya nito. “Kasi iba siya eh, iba ‘yung istorya niya. Hindi siya tina-tackle before so ngayon medyo may matatapang na kinunan ‘yung ganitong klase na story. Tinanggap ‘yung ganitong klase ng kwento so bahala na sila,” natatawang pahayag ng aktres.

Bilang paghahanda ay kinailangan pa raw na magla­sing ni Arci bago kunan ang maiinit nilang eksena ni JC. “Uminom lang ng maraming wine kami ni JC. Marami kaming nainom na wine dito at totoong wine ang pinapainom sa amin ni direk para tumapang, para mag-init, jusmiyo,” kwento ng sexy actress.

Bukod sa nasabing pelikula ay abala na rin si Arci para sa taping ng teleseryeng Pamilya Natin na malapit nang mapanood sa ABS-CBN. Kasama ng aktres sa bagong serye sina Alyssa Muhlach at JM de Guzman.

Daniel maraming natutunan kay Ian

Aminado si Daniel Padilla na talagang seloso siya pagdating sa relasyon. Ilang taon nang magkasintahan ngayon ang aktor at si Kathryn Bernardo. “Oo naman, ang weird naman kasi kung hindi ka seloso. Parang normal naman na seloso ka dapat. Parang kung hindi ka nagseselos, there’s something wrong,” paliwanag ni Daniel.

Kapag si Kathryn naman daw ang nagseselos ay kinikilig ang aktor. “Minsan, pero minsan natatakot na ako. Iba ‘yung cute na selos lang. I’d rather choose na magselos na lang siya sa akin. Mas masarap sa feeling. Kasi feeling mo naman ang gwapu-gwapo mo rin kapag gano’n,” pagtatapat ng binata.

Samantala, lingid sa kaalaman ng publiko ay malapit na magkaibigan sina Daniel at Ian Veneracion. Nagsimula raw ang pagiging magkaibigan ng dalawa nang magkasama sa teleser­yeng Got to Believe noong 2013 at Pangako Sa ‘Yo noong 2015.

“Marami tayo sa showbiz na tinatawag na showbiz friends o taping friends. Kami, natapos na ang taping, hindi natapos ang pagkakaibigan namin ni Ttio Ian. Pinupuntahan ko siya sa bahay niya lagi. Sarap din kasi, ang dami kong nakukuhang advice from Tito Ian na talagang nakakatulong sa akin. Very productive ang samahan namin, hindi lang puro laro,” pagbabahagi ng aktor.  (Reports from JCC)

ARCI MUñOZ JC SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with