Jinggoy tinatawanan na ang pagiging ‘olats’
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - July 16, 2019 - 12:00am

Dingdong hinandog kay Eddie ang best actor award

Congratulations sa grupong SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) sa kanilang Eddys Awards na nasa pangatlong taon na. Ginanap ito sa New Frontier Theater sa Cubao  kamakalawa nang gabi.

Sa opening number pa lang, well-applauded na dahil maayos ang production numbers na hindi lang basta kantahan at sayawan kundi may kinalaman sa pagdiriwang ng kanilang pagbibigay ng parangal.

Sa opening speech na ibinigay ng adviser at council of founding member ng naturang grupo na si Nestor Cuartero, sinabi niya na ang kaibahan ng Eddys ay hindi sila nagbibigay ng ideya sa mga posibleng mananalo.

Kaya kahit wala ‘yung mga nanalo, okay lang sa kanila basta walang kumalat na leakage.

Ang gusto lang daw sana nila ay makakarating ang lahat na mga nominado at makibahagi sa selebrasyon.

Maging good sport lang na kung hindi manalo, okay lang. Pag manalo, mas okay.

Pero hindi na ganun ang kalakaran sa karamihang award-giving bodies. Kaya present ang karamihang mga winners, dahil binigyan sila ng ideyang magwawagi.

Iba ang Eddys, kaya mapupuri mo rin ang mga nominadong dumalo na nakisaya nung gabing iyun kahit hindi naman sila nagwagi.

Sa kategoryang Best Supporting Actor, present doon sina Ricky Davao, Joross Gamboa at Tirso Cruz III, pero si Arjo Atayde ang nagwagi na wala naman doon. Ang pagkakaalam namin, sumama siya sa isang event ni Maine Mendoza.

Sa mga nominado naman sa Best Supporting Actress, dumalo roon sina Pinky Amador at Nova Villa, pero si Max Collins ang winner na wala rin doon.

Mabuti at dumaan si Dingdong Dantes na galing sa isang event ng Yes Pinoy Foundation sa Kalookan City, na mabuti na lang siya rin ang nanalo for Best Actor.

Maganda ang speech niya na kung saan pinuri niya ang pagtulong ng FDCP Chairperson Liza Diño sa mga stuntmen, at nagbigay-pugay din siya kay Eddie Garcia na nominado rin sa kategoryang iyun.

Napuno naman ang venue ng fans ni Kathryn Bernardo na umaasang darating ang kanilang idolo. Pero napagod ang Kapamilya young actress sa magkakasunod na mall show nila ni Alden Richards nung araw na iyun para sa promo ng Hello, Love, Goodbye kaya hindi ito nakadalo.

Kung hindi lang daw dinagdagan ng isa pang mall show sa SM Masinag, may panahon pa siyang makapag-ayos at makahabol sa awarding.

Kaya nanghinayang din siya na hindi niya personal na natanggap ang naturang award. Maganda rin ang kanilang pagbibigay parangal sa mga beteranong artista na naging bahagi ng movie industry na nagdiriwang ng ikasandaang taon.

Kaya binigyan nila ng Sandaan award sina Lorli Villanueva, Tommy Abuel, Rustica Carpio, Odette Khan, Vic Delotavo, Romy Vitug, at marami pa.

Maganda rin ang presentasyon sa pagbibigay nila ng parangal sa mga kinikilalang Icons ng Philippine movie industry na sina Christopher de Leon, Lorna Tolentino, Tirso Cruz III, Dante Rivero, Joseph Estrada, Eddie Gutierrez, Celia Rodriguez at Vilma Santos.

Ang dating Sen. Jinggoy Estrada ang tumanggap ng parangal sa dating Presidente at Manila Mayor Erap.

Kuwela ang biro niya nang humingi siya ng paumanhin na hindi siya naka-barong dahil wala na raw siyang barong.

“Pasensya na kayo, olats kasi tayo nung nakaraang eleksyon.

“Kung nanalo sana ako, tiyak na mas maganda pa ang barong ko sa suot ni Sen. Bong Revilla,” biro niya na natawa ang lahat lalo na si Sen. Bong na dumalo rin kasama si Mayor Lani Mercado.

Napansin lang namin doon na seryoso lang ang mukha ng host na si Korina Sanchez-Roxas.

Nandun si Sen. Bong at Mayor Lani para ibigay ang Manny Pichel Award kay Manay Ethel Ramos.

Si Tita Cristy Fermin naman ang pinarangalang Joe Quirino Award.

Humabol din si Piolo Pascual para personal na tanggapin ang parangal sa Spring Films bilang Rising Producer kasama ang T-Rex Films ni Rex Tiri.

Ang Star Cinema naman ang pinarangalang Producer of the Year.

Congratulations sa lahat na nagwagi.

JINGGOY ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with