Judy Ann Santos
Juday balik-teleserye kay coco
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - July 16, 2019 - 12:00am

SCENE: Si Isko Moreno ang unang mayor ng Maynila na nagdaos kahapon ng flag ceremony mula nang itinayo ang Bonifacio Shrine na sinala­ula ng mga homeless Filipino. Malinis at hindi na eyesore ang dambana ni Bonifacio sa Maynila.

SEEN: Nagsimula na ang taping ni Judy Ann Santos para sa Ang Probinsyano. Matagal nang hindi nila napapanood sa isang teleserye ang aktres.Katuparan ng pangarap ni Coco Martin na makatrabaho sa Ang Probinsyano si Judy Ann na itinuturing niyang ate at idolo.

SCENE: OFW ang role ni Maymay Entrata sa Hello, Love, Goodbye ng Star Cinema. Naka-relate si Maymay sa karakter nito dahil OFW ang kanyang magulang kaya alam niya ang pakiramdam ng mga anak na nawawalay sa kanilang mga ama at ina.

SEEN: Magkakaroon ng official announcement ang GMA 7 tungkol sa aktres na gaga­nap bilang leading lady ni Dingdong Dantes sa adaptation ng Descendants of the Sun. Matagal nang napapabalita na si Jennylyn Mercado ang magiging kapareha ni Dingdong.

SCENE: Ang pasasalamat ng ABS-CBN ma­nagement dahil umabot na sa walong milyon ang bilang ng mga bumili ng ABS-CBN TV Plus.

SEEN: Hanggang ngayon, July 16, ang lamay para kay Mrs. Leticia Albert sa Arlington Memorial Chapels, Taguig City. Sa July 17 hanggang July 18 ang lamay sa MMHC Theologate House of Formation, 27 Lope K. Santos St. Marikina Heights, Marikina City at sa July 19 hanggang July 20 ang burol ni Mrs. Albert sa MMHC Mater Dei College Seminary, Silay City, Negros. Si Mrs. Albert ang ina ng singer na si Joey Albert.

JUDY ANN SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with