Nasabat sa kanila ang P68,000 halaga ng shabu na may bigat na 10.08 gramo.
Facebook/Angela Garcia Bobis
Star Circle Batch 5 actress nalambat ng pulis sa anti-drug operation sa Cavite
(Philstar.com) - July 15, 2019 - 4:27pm

MANILA, Philippines — Nasakote ng kapulisan ang isang dating teen actress kasama ang kanyang kinakasama at tatlong iba pa sa nangyaring buy-bust operation sa Bacoor, Cavite Lunes.

Tinukoy ang suspek bilang si Angela Garcia Bobis, o mas kilala sa pangalang Angela Zamora.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, naaresto siya dahil sa pagbebenta ng iligal na droga.

Naging bahagi si Zamora ng ika-5 batch ng Star Magic taong 1997.

Kasama niya rin niyang nahuli si Vladimir Bersana, kanyang live-in partner, at mga diumano'y kasabwat na sina Jovencio Isler, Christian Lawrence Macanlalay at Loro Lopez.

Nasabat sa kanila ang P68,000 halaga ng shabu na may bigat na 10.08 gramo.

Dati na raw naaresto si Bersana na siya raw nagturo kay Zamora na magbenta ng shabu sa inuupahang tirahan, ayon kay Police Lt. Col. Vicente Cabatingan, hepe ng Baccor City Police.

Rehas ang bagsak nila pare-pareho at haharap sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. — James Relativo

STAR CIRCLE STAR MAGIC WAR ON DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with