^

PSN Showbiz

Ion Perez kasama sa lahat ng galaw ni Vice Ganda!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Ion Perez kasama sa lahat ng galaw ni Vice Ganda!
Vice & Ion

Mukhang seryosohan ang pagkaka-link  ni Ion ‘Mr. Escort’  Perez sa comedy superstar at host na si Vice Ganda kung ang pagbabasehan ay ang viral photo ng dalawa na mukhang kuha sa Amerika kung saan nagkasama ang dalawa sa ginawang concert tour ng singer-comedian-TV host at box office star na si Vice.

Paboritong biruin sina Vice at Ion ng kanilang mga kasamahan sa It’s Showtime at game naman pareho ang dalawa sa pambubuska sa kanila ng co-hosts sa programa.

Madalas isinasama ni Vice Ganda si Ion sa shows niya abroad kaya hindi kami magtataka kung pati sa Metro Manila Film Festival movie niya with Anne Curtis, ang Momalland ay isama din si Ion.

Sa Amerika ay ipinakilala ni Ion si Vice sa kanyang sister na doon naka-base kasama ang husband nito at kilala na rin ni Ion ang pamilya ni Vice at mukhang aprubado naman sa kanila kung anumang relasyon meron ang dalawa ngayon.

Marami nga ang nagsasabi na napakasuwerte ni Ion kay Vice at mukhang hindi naman put-on ang pagkagusto nito sa singer-comedian at TV star.

Edward hindi nakatiis, sinorpresa rin si Maymay

Nag-ala Daniel Padilla pala ang Fil-Brit actor na si Edward Barber nang ito’y lumipad patungong Hong Kong para sorpresahin at dalawin ang kanyang ‘mi amor’ na si Maymay Entrata na kasama rin sa pelikulang Hello, Love, Goodbye na sa Hong Kong kinunan sa loob ng isang buwan. Tulad ni Daniel na hindi natiis na hindi makita ang kanyang girlfriend na si Kathryn Bernardo nang matagal kaya lumipad ito papuntang Hong Kong at sinorpresa rin ang kasintahan.

Although nananatiling career and family ang priority ngayon kay Maymay, hindi maikakaila ang espesyal nilang relasyon ngayon ni Edward na nagsimulang ma-develop nung sila’y nasa loob pa ng Pinoy Big Brother house hanggang sa kanilang paglabas sa Bahay ni Kuya.

JC nami-miss na sa TV

Pagkatapos ng The Day After Valentine’s na pinagtambalan nina Bela Padilla at JC Santos at isa sa mga entries ng Pista ng Pelikulang Pilipino nung isang taon, muling nagbabalik sa PPP si JC sa ikatlong pagkakataon minus Bela dahil si Arci Muñoz ang kanyang kapareha ngayon sa pelikulang Open na dinirek ni Andoy Ranay at joint venture ng T-Rex Entertainment at Blacksheep Productions.

Si Bela naman ay abala ngayon sa kanyang tumatakbong TV series sa ABS-CBN, ang Sino ang May Sala? Mea Culpa na pinagsasamahan nila nina Jodi Sta. Maria at Tony Labrusca.

Biglang na-miss si JC ng televiewers dahil wala itong bagong serye na ginagawa.

vuukle comment

EDWARD BARBER

MAYMAY ENTRATA

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with