^

PSN Showbiz

Male personality mahaba ang listahan ng mga utang sa bar

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ang dami-dami nang kuwentong lumalabas tungkol sa ugali ng isang kilalang male personality na magaling mangutang pero malilimutin naman sa pagbabayad.

Siya ang sinasabing male version ng isang aktres na ganu’n din ang ugali, mang-aabala ng kanyang mga kaibigan at kakilala para makapangutang, pero kapag nakuha na ang kanyang gusto ay deadma na lang.

Ganu’n din mismo ang male personality na ito na kalat na kalat ang utang sa kung saan-saan, napakalakas ng loob niyang mag-imbita ng mga kaibigan para sila mag-inuman sa bar, pero wala naman pala siyang pambayad.

Kuwento ng aming source, “Naku, hindi na bago ang mga kuwentong ‘yan! ‘Yung mga bar sa kanilang lugar, may kani-kanyang kuwento sila tungkol sa male personality na ‘yan!

“Mahilig kasi siyang uminom, nagyayaya siya ng mga friends niya para magnomo-nomo sila, pero kapag bayaran na, ang sasabihin niya, e, kakausapin niya na lang ang owner o ang manager ng bar, ipadadala niya na lang ang bayad sa bill niya.

“Ilang bar ba ang may kaparehong kuwentong ganu’n tungkol sa kanya? Ang dami-dami na. Natural, hindi na siya bumabalik du’n, sa ibang place naman siya magkakalat ng lagim,” kuwento ng aming impormante.

Malakas kumita ang male personality dahil marami siyang alam gawin. Talentado siya. Nagpapatawa siya, nagdadrama, nagho-host. Marami siyang pinagkakakitaan.

Patuloy ng aming source, “Kasi nga, e, marami siyang extra curricular activities. Bukod sa hilig niya sa pag-inom, e, babaero rin siya. At galante siyang karelasyon, ha? Ilang beses na bang nagrereklamo ang pamilya niya sa hindi pagbibigay ng sustento?

“Pero sa kulukadidang niya, e, napaka-gene­rous niya, panay-panay ang pagreregalo niya ng mga alahas, spoiled ang mga girls sa kanya!

“Pero nakakalimutan niya ang obligasyon sa pamilya niya, nakakalimutan niya ang mga pinagkakautangan niya, malilimutin siya pagdating sa pagbabayad.

“Kung masinop lang ang male personality na ‘yun, e, mayamang-mayaman na siguro siya nga­yon. Malakas siyang kumita, e! Pati nga ang mundo ng pulitika, e, pinapasok din niya, di ba?

“Kaya lang, e, palagi naman siyang talo, wala pa siyang naipapanalong laban, kasi nga, e, hindi naman siya seryoso sa kandidatura niya sa iba-ibang posisyon!

“Naku, maraming maniningil ang male persona­lity na ‘yun, very loooooong ang listahan, kaya sana naman, e, magbayad na siya!” panghuling sultada ng aming impormante.

Ubos!

Luis ayaw tantanan sa pagiging mapait pa kay Angel!

Nakasalang ngayon sa kumukulong tubig si Luis Manzano dahil sa mga pinakawalan niyang salita nang tanungin siya tungkol sa nalalapit na pagpapakasal ng dati niyang girlfriend na si Angel Locsin kay Neil Arce.

Dalawang salita ang pinagdidiskusyunan nga­yon ni Luis at ng mga netizens, lalo na ng kanyang mga bashers, ang mga salitang niya at n’yo.

Ayon sa aktor-TV host ay n’yo raw ang kanyang sinabi sa interview, napabilis lang daw ang kanyang pagkakabigkas, kaya nagkamali ng dinig ang mga netizens.

Ginagawang pulutan ngayon sa social media si Luis Manzano dahil du’n, napaka-bitter daw niya, hanggang ngayon daw ay hindi pa rin siya nakakapag-move-on sa break-up nila ni Angel Locsin.

Nagpaliwanag na si Luis, pero mas marami pa ring namba-bash sa kanya, napakadali lang daw naman kasing sagutin ng tanong, pero masyado siyang makuda, ginawa pa niyang kumplikado ang sitwasyon.

Isa si SOS sa mga nagkomento ng ganito, “Sinungaling po si Luis, the video does not lie. Napakalinaw po ng sinabi niyang ‘Huwag na NIYA akong idamay sa kuwento NIYA.’

“At saka hindi naman po ‘yun talaga ang issue, kundi ‘yung rude at very bitter na sagot niya sa tanong. Kung sinabi niya na lang na ‘I’m happy for them,’ hindi naman ibig sabihin nu’n na plastic siya!

“Sa kultura nating mga Pinoy, ang mga ikakasal po, e, wini-wish natin ng magandang buhay at dapat, masaya tayo para sa kanila, di ba? Kaso, masyadong mapait si Luis, hindi pa rin siya nakapagmu-move-on, e, meron na naman siyang Jessy (Mendiola)!” komento ni SOS.

Nag-post tuloy si Angel Locsin ng isang litanya na duda ng mga kababayan natin ay patagilid nitong patama kay Luis Manzano.

Ang sabi ng maganda at magaling na aktres, “Don’t ruin other people’s happiness just because you can’t find your own.”Araguy!

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with