Long Mejia
Long Mejia hinahabol sa utang na wig!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - July 14, 2019 - 12:00am

Kinumpirma namin kay Arnell Ignacio ka­makalawa ang narinig naming balitang may utang daw sa kanya ang komedyanteng si Long Mejia na hindi pa rin nababayaran hanggang ngayon.

Hindi naman siya nakakatanggi, pero tipid pa rin ang sagot niya tungkol dito. Halata ko lang na masama ang loob niya sa komedyante.

Ayaw na raw sana niyang palakihin pa ito, pero totoo ngang hindi pa rin siya nabayaran ni Long sa kinuha nitong wig sa kanyang Creative Hair Systems sa Greenhills.

Nangyari raw ito bago pa ang eleksyon na nagulat ang mga staff ni Arnell nang dumating doon si Long kontodo bodyguards.

Dagdag pang kuwentong nakarating sa akin, nagulat daw ang mga staff ni Arnell na may mga kasamang bodyguards na nakabantay sa kanya si Long.

Dami raw tinanong na mga presyo ng iba’t ibang style ng wig.

Hanggang sa nagpasukat na siya at umorder ito.

Umabot daw ng 38 thousand ang na-order na wig, pero humingi ng discount.

Tinawagan ng staff si Arnell para sa discount, at binigay naman ni Arnell. Sa halip na 38, naging 25k na lang.

Nung kinuha na yung wig, wala naman daw ibinigay na bayad, nahiya naman daw ang staff na huwag ipadala ang item dahil magkakilala naman sila ni Arnell.

Hanggang ngayon, hindi pa rin nabayaran ang wig na iyun at kawawa yung staff dahil pinayagan niyang ipadala ito na walang naibigay na bayad.

Kaya nung pina-follow up siya, panay lang ang pasabi na ipapadala ang bayad pero waley naman.

Sinabi pa raw nito sa isang staff na natalo raw kasi siya sa eleksyon kaya wala pa siyang maibibigay.

Sabi naman ni Arnell, dagdag din sana pang-suweldo ang utang na iyun ni Long. Pero kahit ano pa, kinuha niya ang wig na yun na dapat niyang bayaran.

Parang ayaw din naman ni Arnell na maniwalang walang pambayad si Long dahil halos araw-araw naman napapanood siya sa TV. Lagi nga siyang nasa Minute to Win It ni Luis Manzano.

May mga ilan din daw siyang kakilala sa showbiz na nagpapalibre sa kanya ng wig at wala naman daw problema iyun. Pero iyung nangakong bayaran, na wala naman, hindi naman daw tama iyun dahil may mga tao raw siyang nagtatrabaho sa tindahan na dapat suwelduhan.

Bukas ang pahinang ito sa sagot ni Long, para ma­linawan lang ang isyung ito.

Kapatid ni Ruru kinaiiritahan sa Starstruck?!

Pagkatapos natanggal na kagabi sa Starstruck si Karl Aquino, isang babae naman daw ang magpapaalam mamaya.

Medyo nagkakainitan na nga sa finalists na medyo napapadami na ang naiirita kay Rere Madrid. Mapapaaga kaya ang pagpapaalam ng kapatid ni Ruru? Ang dami raw ang ‘di nagkakagusto sa kanya.

Pero ang isa sa nahirapan sa Artista test nitong nakaraang episode ay si Aiko Melendez na special guest nila sa ‘sampalan test’.

Medyo maaksyon daw kasi ang mga eksena ng sampalan at tulakan, kaya nagkapasa-pasa siya at nagka-blister sa mga eksenang pinagawa sa kanya kasama ang mga bata.

Pahirap nang pahirap na nga raw ang mga tests na pagdadaanan ng mga finalists, pero kinakaya nila para hindi sila magbabu nang maaga.

Imelda Papin umayaw sa KAPPT

Bumitiw na pala si Imelda Papin bilang pangulo ng Katipunan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino at Telebisyon (KAPPT) dahil kailangan na raw niyang mag-focus bilang Vice Governor ng Camarines Sur.

Si Amay Bisaya na pala ang pumalit sa kanya.

Curious tuloy kami kung ano ang plano ni Amay Bisaya sa pinag-uusapang proteksyon sa mga artista lalo na sa mga maliliit kagaya niya.

May interview kami sa kanya kagabi sa radio program ni Noel Ferrer, kaya tingnan natin kung perfect pang kapalit si Amay Bisaya kay Imelda Papin.

ARNELL IGNACIO LONG MEJIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with