^

PSN Showbiz

Daniel regular na ang pagiging ‘singer’

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Daniel regular na ang pagiging �singer�
Daniel Padilla

Malaking tulak sa karera ni Daniel Padilla kapag nasunod ang kagustuhan Ms. Charo Santos na magkatrabaho sila. Knowing Charo’s penchant for films na hindi ordinaryo sa pagganap sa roles na ibinibigay sa kanya, parehong magkakasubukan ng galing ang beteranang aktres at ang Teen King. Pero, maganda yung ginawa ng Kapa­milya na gawin siyang regular sa ASAP dahil ma-iimprove niya ng husto ang kanyang pagkanta at hindi siya ma-miss ng fans habang naghihintay siya ng susunod niyang projects.

Andrea at Derek bigay todo sa pagpapainit!

Malaking challenge para kina Derek Ramsay at Andrea Torres ang pag-initin gabi-gabi ang viewers sa panonood sa kanila nang sa gayun ay hindi mawalan ang mga ito ng interes sa kanilang seryeng The Better Woman.

Dalawang linggo pa lamang na umeere ang nasabing serye pero bongga ang ratings.

Palagay nga ng manonood ay unfair yung pagtatanong ng prog­rama kung sino ang The Better Woman sa pagitan ng dalawang babae, isa ay asawa at ang ikalawa ay ang the other woman. No matter how we take it, pala­ging talunan ang kabit.

T-Rex nakiuso para kina Janine at Paulo

Hindi lamang pala ang Regal Films ang nagpapauso ng pagtatambal ng mga artista na hindi magkaka-network, ginagawa na rin ito ng T-Rex Productions, at this time ay sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez ang planong pagtambalin sa isang movie na may pamagat na If We Don’t Make It.

Magkaiba man ang network na kinabibilangan ng dalawa, hindi naman sila totally strangers sa isa’t isa dahil iisa lamang ang kanilang manager.

Pagkakaligwak ni Coco sa MMFF kinukuwestiyon!

Bakit kaya hindi nakapasok sa Metro Manila Film Festival 2019 ang movie na pagsasamahan sana nina Coco Martin at AiAi delas Alas? Magandang tambalan pa naman ang dalawa, parehong box-office champion at hindi naman siguro papayag si Coco na hindi maipalabas ang isang ‘di magandang script.

Ano nga kaya ang ikinaayaw sa kanila ng MMFF 2019 screening commitee?

Regine bonus  sa pelikula  ni Sarah

Ang agang nagka-bonus ni Jun Robles Lana dahil kasama na sa Unforgettable movie ni Sarah Geronimo ang Songbird na si Regine Velasquez. Nagsimula na ng trabaho para sa kanilang movie ang dalawang sikat at malala­king artista. Wala namang dapat ipag-alala sa unang pagsasama nilang dalawa, dahil bago pa ang ASAP ay friends na sila.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with