^

PSN Showbiz

Erich consistent ang pagtatago sa karelasyong mayaman

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Erich consistent ang pagtatago sa karelasyong mayaman
Erich Gonzales

Hanggang ngayon ay tila umiiwas pa rin si Erich Gonzales na pag-usapan ang kanyang bagong lovelife at ang rumored  non-showbiz boyfriend niyang si Mateo Lorenzo na nagmula sa isang maya­mang family.  Si Mateo ay nakatatandang kapatid ng nobyo ng younger sister ni Julia Barretto na si Claudia Barretto na si Basti Lorenzo.

Kung masyadong naging open noon ang pakikipag­relasyon ni Erich kay Daniel Matsunaga, kabaliktaran naman ngayon kay Mateo.

Halos dalawang taon na silang hiwalay ni Daniel.

Bela binabantayan kung dadalo sa kasal nina Angel at Neil

Marami ang nagtaka kung bakit hindi nag-field ang Viva Films ng anumang entry para sa ikatlong taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino considering na ang nasabing kumpanya ang nanguna sa takilya sa loob ng dalawang taon ng PPP sa pamamagitan ng 100 Tula Para Kay Estela at The Day After Valentine’s na parehong pinagtambalan nina Bela Padilla at JC Santos at parehong sinulat at dinirek ni Jason Paul Laxamana. Pero sa kabila na walang entry ang Viva this year maging si Bela, may movie naman na kalahok si JC, ang Open na pinagtatambalan nila ni Arci Muñoz at dinirek ni Andoy Ranay under T-Rex Entertainment.

Si Bela ay busy ngayon sa kanyang tumatakbong tele­serye sa Kapamilya network, ang Sino ang May Sala, Mea Culpa na pinagsasamahan nila ni Jodi Sta. Maria. May bagong movie assignment din ito sa bakuran ng Viva Films.

Samantala, bukod sa pagiging aktres at screenplay writer, balak din ni Bela na subukan ang pagdidirek balang araw.

Still on Bela, masaya ito para sa kanyang ex-boyfriend, ang movie producer na si Neil Arce at Angel Locsin sa recent engagement ng dalawa at wish niya na maging masaya ang dalawa.

Sa kabila ng break-up nina Bela at Neil in early 2017, nanatili pa rin ang pagiging magkaibigan ng dalawa hanggang ngayon at open pa rin ang dalawa sa collaboration.

Imbitahin kaya nina Neil at Angel si Bela sa araw ng kanilang kasal?

Ano sa palagay mo, Salve A.?

Albert wala na sa planong mag-asawa

Mukhang hindi ang tipo ni Albert Martinez ang mawawalan ng proyekto sa bakuran ng ABS-CBN dahil sa sunud-sunod nitong TV projects na madalas pang mag-abot o mag-overlap ang dalawa niyang TV series tulad sa nangyari noon sa The Good Son at La Luna Sangre na naulit  naman sa hit TV series na Kadenang Ginto at The General’s Daughter.  Parehong namatay ang respective characters ni Albert sa The Good Son at Kadenang Ginto kaya nakapag-focus siya sa La Luna Sangre dati at ngayon sa The General’s Daughter.

Kung gaano ka-busy ngayon at hindi nawawalan ng proyekto si Albert ay kabaliktaran naman ito sa kanyang nakababatang kapatid, ang dating heartthrob ng 1980’s na si William Martinez.

Samantala, kahit mahigit apat na taon nang namayapa ang misis ni Albert na si Liezl Martinez na sumakabilang-buhay nung March 14, 2015, mukhang wala pa ring balak ang ama nina Alyanna, Alfonso at Alissa na palitan ang namayapang misis dahil wala pa itong bagong napupusuan hanggang ngayon.

vuukle comment

ERICH GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with