Kris
Kris hindi na pinag-iingay ang bawat galaw
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - July 13, 2019 - 12:00am

Masaya talaga ako para sa Kampon, ang horror movie na gagawin nina Kris Aquino at Derek Ramsay na official entry sa Metro Manila Film Festival sa December 2019.

For sure, marami ang nagulat dahil MMFF entry ang naturang movie bilang tahimik at walang sinasabi si Kris na may gagawin pala na project.

At dahil maganda naman ang record sa paggawa ng pelikula ng kumpanya ni Atty. Joji Alonso, mukhang worthy naman ito para sa pagbabalik ni Kris. Bongga rin dahil si Derek ang leading man niya.

Sana nga ay makaya ng physical condition ngayon ni Kris ang pagod ng shooting or baka nga ito pa ang ma­ging dahilan para gumaling ang sakit niya dahil knowing her, hinahanap ng katawan niya ang kanyang mga dating ginagawa.

Go Kris, baka nga gumaling ka at lumakas, break a leg and welcome sa festival.

Kathryn nagulat nang makalkal ang pagiging Kapuso niya noon

Ang cute ng guesting kahapon nina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa Unang Hirit dahil sino ang mag-aakala na darating ang araw na muling tutuntong ang aktres sa GMA 7 compound?

Katorse anyos si Kathryn nang umapir siya sa Endless Love noong 2010 bilang young Marian Rivera na naging dahilan ng pagiging magkaibigan nila.

I’m sure, nag-trip down memory lane si Kathryn nang ipakita sa Unang Hirit ang old clip ng interbyu sa kanya, nine years ago.

Pagkagulat ang reaksyon ni Kathryn dahil hindi nito ine-expect na mahahalungkat ng Unang Hirit staff sa baul ang old clip ng interview sa kanya, kasama sina Kristoffer Martin at Joyce Ching.

Bagets na bagets pa si Kathryn nang umapir ito sa Philippine adaptation ng sikat na Koreanovela na Endless Love dahil 14-years-old pa lamang siya noon.

Pagkatapos ng Endless Love, bumalik si Kathryn sa ABS-CBN at dito nagsimula ang loveteam nila ni Daniel Padilla at ang pagbongga ng kanilang mga showbiz career.

Mainit ang pagtanggap kay Kathryn ng Kapuso employees nang magpunta siya sa GMA Network building para sa taping ng guesting nila ni Alden sa Unang Hirit noong Huwebes.

Nag-lagare ang dalawa dahil same day nang mag-taping sila para sa promo guesting nila sa Uma­gang Kay Ganda ng ABS-CBN.

Sa story conference noon ng Hello, Love, Goodbye, nag-dialogue ang direktor na si Cathy Garcia-Molina ng “Pwede naman pala,” nang makita niya na magkatabi ang mga microphone ng GMA 7 at ABS-CBN habang iniinterbyu sina Kathryn at Alden.

Puwede naman talaga na magkaroon ng mga collaboration ang Kapuso at Kapamilya Network at magkasama sa mga project ang kanilang mga artista.

Noong araw naman, hindi uso ang network war dahil malayang-malaya na nakakatawid ang mga artista sa iba’t ibang television station.

Naranasan nga ni Eric Quizon na maglagare noon sa mga show ng ABS-CBN, GMA 7, IBC 13, Channel 9 at pati sa PTV4.

Nakakabilib nga ang energy ni Eric dahil parang hindi niya alam noon ang ibig sabihin ng mga salita na ngarag at pagod. Work nang work si Eric dahil bukod sa in demand siya noon na artista, love na love niya ang kanyang propesyon.

Anyway, sana nga, ang pagtatambal ni Alden at Kathryn sa pelikula ang maging hudyat para masundan pa ang pagsasama ng stars ng Kapamilya at Kapuso Networks sa mga susunod na project.

METRO MANILA FILM FESTIVAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with