^

PSN Showbiz

Magandang aktres madaling sukuan ng mga alalay dahil sa kamalditahan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ay, ang dami-daming kuwento ng aming source tungkol sa isang magandang aktres na mas madalas kaysa sa hindi ay sinusukuan ng kanyang mga kasambahay, pati ng mga kinukuha niyang PA.

Nasa paligid pa rin ng lokal na aliwan ang mga dati niyang nakasama, pero ibang personalidad na ang pinagseserbisyuhan, kaya patuloy ang paglutang ng mga kuwento tungkol sa kanya.

Kuwento ng aming impormante, “Hindi naman pala sa harap ng mga camera lang siya mukhang suplada, sa personal pala, e, ganu’n din ang girl na ito!

“Napakarami nang nagtrabaho sa kanya, pero ilang buwan lang, e, umaalis na sila, kasi nga raw, e, napakahirap ispilengin ng ugali ng magandang female personality na ito.

“Masungit, hindi marunong mag-appreciate, maldita at kung anu-ano pang kanegahan ang ikinakambal na katangian sa girl! Meron siyang ugali na kapag ayaw niyang magsalita, magkasunog man sa tabi ng bahay nila, e, hindi mo maririnig ang boses niya.

“Kapag nasa mood naman siyang magsalita, e, puro kuda ang ginagawa niya, kung anu-anong kamalian ng mga kasambahay niya ang ipinagsisigawan niya!

“Ayun, ilang buwan lang, e, tumatawag na sa agency na pinanggalingan nila ang mga maid-of-cotton niya, gusto nang umalis, palitan na lang daw sila!” umpisang kuwento ng source.

At may kuwento pa ang mga dating nagtrabaho sa poder ng magandang aktres, kahit pala ang pamilya ng kanyang ama mismo ay hindi niya kasundo, malayo ang loob ng mga ito sa maganda pa namang female personality.

Kuwento uli ng aming source, “Naku, hindi sila okey ng family ng father niya. Mahaba ang kuwento, pero masama pala ang loob ng girl nu’ng magkahiwalay ang mga parents niya!

“So, kahit sino sa family ng father niya, e, hindi niya talaga kasundo! Marami siyang sinasabi tungkol sa pamilya ng father niya, inis na inis siya!

“Konting bagay lang kuno, e, big deal na agad sa girl. Simpleng bagay lang, e, pinalalaki na niya, kaya ayun, hindi siya natitiis ng mga kasambahay nila, umaalis agad sa kanila!” napapailing na sabi ng aming impormante.

Ang tanong, babalik pa ba sa kanilang dating pinaglilingkuran ang mga nag-alisan na sa aktres, paano kung mangako siyang magbabago na at hindi na sila pagmamalditahan?

Huling sultada ng aming source, “Naku, hinding-hindi na raw! I-curl-curl na lang daw niya ang mahaba niyang hair!”

Ubos!

Marian pinakamagandang babae sa buong mundo para kay Kathryn

Ang sarap-sarap panoorin ng Unang Hirit kahapon nang umaga. Dati na kaming tagasubaybay ng pang-umagang programa ng GMA-7, ‘yun ang kakambal namin sa pagtitipa ng aming mga kolum, pero kakaiba ang senaryo kahapon.

Nandu’n sina Alden Richards at Kathryn Bernardo bilang bahagi ng promo ng kanilang pelikulang Hello, Love, Goodbye na ipalalabas na sa July 31.

Napakasaya ng kanilang interview, kitang-kita ang swak na swak nilang chemistry, talagang hindi nagkamali ang Star Cinema na igawa ng pelikula ang dalawang sikat na kontratadong artista ng ABS-CBN at GMA-7.

Ngayon lang namin nalaman na si Kathryn pala ang gumanap na batang Marian Rivera sa seryeng Endless Love, ipinakita ang footage ng batambata pang aktres, hindi nga ipinanganak nang magdamagan lang ang popularidad ni Kathryn Bernardo.

Nang tanungin siya kung sino pa sa mga artista ng GMA-7 ang gusto niyang makasama bukod kay Alden Richards ay napakabilis ng kanyang sagot. Si Marian Rivera.

Aminado si Kathryn, “Sa kanya lang ako nai-starstruck, saka para sa akin, siya ang pinakamagandang babae sa buong mundo.”

Napakagandang komplimento nu’n para kay Marian na totoo namang napakaganda, lalo na kapag tumatawa, sinserong-sinsero ang papuri ni Kathryn sa aktres.

At walang maling anggulo si Alden Richards, mas gumuwapo ngayon ang aktor, bagay na bagay sa Pambansang Bae ang kanyang bagong hairstyle dahil nagmukha pa itong bagets.

Bitin ang oras, sa Lunes na raw mapapanood ang part 2 ng guesting nina Kathryn at Alden sa Unang Hirit na nag-trending nang sobra-sobra, nakakaaliw ang ginawa nilang photobooth challenge kung saan kunwari ay nagpi-pictorial sila para sa isang poster.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS AND KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with