^

PSN Showbiz

Eugene Domingo naghihintay pa sa alok na kasal ng dyowang Italian

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Eugene Domingo naghihintay pa sa alok na kasal ng dyowang Italian
Danilo & Eugene

Ang ganda ng feedback sa Ang Babae sa Septic Tank 3: The Real Untold Story of Josephine Bracken starring Eugene Domingo na eksklusibong mapapanood bilang series sa streaming service na iWant since July 17.

Matapos nga ang box-office performance ng naunang dalawang Septic Tank  movies, magiging sentro sa Septic Tank 3 series ang paggawa ng isang historical biopic.

Sa Septic Tank 3, mapapagtanto ni Eugene na may ibubuga pa siya bukod sa pag-arte at hahamunin ang sariling bumida, idirek, at i-produce ang sarili niyang pelikula tungkol kay Josephine Bracken, ang huling kasintahan ni Jose Rizal.

Bilang isang first-time direktor, kukunin ni Direk Uge ang pinakamagagaling sa industriya para maganda ang kinalabasan ng una niyang pelikula.

Ano naman kaya ang mangyayari kapag ang hunky actor na si Tony Labrusca ang gaganap bilang si Jose Rizal sa seven-episode series?

Bago naman mapapanood ang serye, maaaring panoorin nang libre sa iWant ang unang dalawang Ang Babae sa Septic Tank movies tungkol naman sa indie film industry at Pinoy rom-com.

Samantala, going strong ang relasyon ni Uge sa Italian boyfriend niya.

Actually, pag daw inalok siyang pakasal nito, handa na siyang mag-asawa at tumira na sa Italy pero sinabi niyang wala sa plano niyang mag-retire at iwan ang showbiz if ever.

Ngayon ay masaya sila pero hindi sila nagmamadali ng Italian dyowa na si Danilo Bottoni na karelasyon niya for three years now.

So engage na ba sila? “We are almost there. It’s like he is my life,” kuwento niya sa presscon ng Ang Babae sa Septic Tank 3 the other day.

Abangan ang buong pitong episodes ng Ang Babae sa Septic Tank 3  simula Hulyo 17 sa iWant app (iOs at Android) o sa iwant.ph.

Masaya ang actress sa pagsabak sa digital dahil pakiramdam niya, mas malawak na ang maaabot niyang market.

Bukod sa mapapanood sa iWant, ipalalabas din ang Ang Babae sa Septic Tank 3 (movie version) sa Cinemalaya.

Aktor matindi na ang alzheimer

May Alzheimer na raw talaga ang isang may edad na aktor.

Marami na raw itong nakakalimutan lately. Recently ay nalimutan niyang na-interview pala siya sa isang radio program.

Maraming kaibigan ng actor ang alam na ang kalagayan nito at naawa na sila rito.

Kathryn napadpad sa UH

Uy mapapanood sa Unang Hirit ngayong araw si Kathryn Bernardo.

Nakita ngang pumunta ng GMA ang Kapa­milya actress para pa rin sa promo ng pelikula nila ni Alden na Hello, Love, Goodbye.

Inaabangan din ang guestings ni Alden sa ABS-CBN. Pero hindi raw ito pinayagan na ma-interview sa Tonight with Boy Abunda ni tito Boy Abunda.

vuukle comment

EUGENE DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with