Maine
Maine susubukang maging seryoso kay Carlo!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2019 - 12:00am

Natutuwa ako sa career move na ginawa ng Triple A para kay Maine Mendoza.

Ibang path naman ang gusto ng mga namamahala sa career ni Maine kaya ipinareha ito kay Carlo Aquino sa isang pelikula.

Hindi maitatanggi na mahusay na aktor si Carlo at baka seryoso ang project na pagsasamahan nila ni Maine para maiba naman sa mga ginawa noon ni Maine at ng dating ka-loveteam nito na si Alden Richards.

Kahit itinatambal na sina Alden at Maine sa ibang mga artista, malaki pa rin ang tiwala ko sa loveteam nila. Iba ang kinang ng kanilang tandem as in terno talaga sila.

Pero gusto ko rin na mapanood sila na iba ang mga kasama sa iba’t ibang mga project. Let them grow then gawa uli sila ng movie together, ‘yung iba na ang dating dahil maipapamalas nila sa publiko ang kanilang maturity bilang performers.

At sana, magkaroon na rin ng growth ang mga nakapa­ligid kina Alden at Maine. Emotionally, dapat nang matanggap na ang partnership nila nang hindi lalagyan ng ibang kulay.

Alden and Maine, grow and show them na talagang iba ang magic ninyo, together man o solo kayo sa inyong mga bagong pelikula.

Niña at Ronnie marunong tumanaw ng utang na loob

Sina Niña Taduran at Ronnie Ong ang dalawa sa mga bagong party-list representative na sinuportahan ko ang kandidatura noong midterm polls ang nanalo kaya tuwang-tuwa ako, Salve.

Base sa naging friendship ko sa kanila, nakita ko ang sincerity ng pagnanais nila na makatulong sa kapwa at makagawa ng mga bagay na alam nila na ikabubuti ng marami.

Taglay din nila ang passion to really give their best dahil mga young blood sila.

Nang manalo ang party-list nina Niña at Ronnie, sila pa ang mga nauna na magpasalamat sa anuman na inaakala nila na naitulong ng entertainment press kaya lalo akong humanga sa kanila.

Sina Niña at Ronnie ang mga tao na hindi nakakalimot sa gitna ng tagumpay, mga tao na nananatili na nakayapak  ang mga paa sa lupa.

We will always support you, Niña Taduran at Ronnie Ong, very admirable ang paglingon ninyo at pagtanaw ng utang na loob sa mga tao na naniwala sa inyong mga kakayahan. We love you, go and show your worth.

‘Di nagpatalbog kay Mariel, Kylie buntis na ulit

Buntis pala si Kylie Padilla sa second child nila ni Aljur Abrenica kaya wala tayong masyado na nababalitaan tungkol sa kanya.

Obvious na raw ang kasalukuyan na sitwasyon ni Kylie ang reason kaya hindi pa nasusundan ang huling teleserye niya sa GMA 7, ang TODA One I Love na natapos noong April 2019.

Boy ang panganay nina Kylie at Aljur kaya hoping ang fans nila na baby girl naman ang second child nila.

Ang ipinagbubuntis ni Kylie ang magiging third apo ni Robin Padilla na turning 50-years-old sa November 2019.

Nakakatuwa na halos magkasing-edad sina Isabelle at Alas. Si Isabella ang panganay na anak nina Mariel at Robin samantalang si Alas ang eldest son nina Kylie at Aljur.

Sure na rin na magiging magkaedad ang mga sanggol na ipinagbubuntis ngayon nina Mariel at Kylie dahil parehong sa November 2019 ang mga due date nila.

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with