^

PSN Showbiz

Reunion Movie nina Piolo at Claudine, walang urungan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Reunion Movie nina Piolo at Claudine, walang urungan
Claudine & Piolo

Kabi-kabila ang mga pelikulang gagawin ni Piolo Pascual ngayon pagkatapos ng naging bakasyon ng aktor sa Europe. “One with Alessandra (de Rossi) that she wrote and she’’ll be direc­ting. Another one is puppy love that we’re going to shoot in Bacolod for two weeks. Lock-in kami do’n,” bungad ni Piolo.

Nakatakda ring gumawa ng isang reunion movie ang aktor at ang dating katambal na si Claudine Barretto. Matatandaang pumatok sa takilya ang pelikulang Milan na pinagbidahan ng dalawa noong 2004. “The one with Clau in September. Originally it’s in Florence. It’s a toss between Prague, Czech Republic of Florence (Italy),” paglalahad ng aktor.

Kailangan pakaabangan ng mga tagahanga nina Piolo at Claudine ang bagong pelikula dahil ibang-iba ang tema nito kumpara sa Milan. “It’s not a continuation. It’s a good story, super nice story,” giit ni Piolo.

Say ni Joshua

‘Hindi mawawala ‘yung Joshlia!’

Malapit nang mapanood sa Kapamilya network ang teleseryeng The Killer Bride na pinagbibidahan nina Maja Salvador, Janella Salvador at Joshua Garcia. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkatambal sina Joshua at Janella sa isang proyekto. “Ako ‘yung happy lang dito. Parang walang problema, pero dadating ‘yung time na pagsususpetsahan ko si Janella eh, parang imbestigador ako. Na-enjoy ko, masaya siyang kasama. Relax lang kami sa taping lahat,” nakangiting pahayag ni Joshua.

Masayang-masaya ang aktor dahil ngayon pa lamang ay may mga tagahanga na ang kanilang bagong tambalan ng dalaga na tinawag na JoshNella. “I’m happy siyempre. Kasi may sumusuporta. Kasi sabi ko nga, ‘yung mga artista, makakita lang ‘yan ng konting suporta sa mga tao, nakakagaan na talaga magtrabaho. Parang, ‘Gagawin ko ‘to for them para proud sila sa akin.’” pagbabahagi ng binata.

Kahit may bago nang katambal ay sinisiguro naman ni Joshua na hindi pa rin mabubuwag ang JoshLia na tambalan nila ni Julia Barretto. “Hindi mawawala ‘yung JoshLia. Ang mensahe ko for the fans is ‘wag silang malungkot. Gagawa pa rin kami ng mga pelikula. May mga project pa kaming pagsasamahan,” giit ng aktor.

Kamakailan ay napabalitang nagkahiwalay na bilang magkasintahan sina Joshua at Julia at ngayon ay nanatiling matalik na magkaibigan ang dalawa. “Kung ano man ang mangyari, kung magkabalikan man or something, di natin alam. Only God knows. Special (si Julia), sobra. Mahal ko pa rin ‘yung taong ‘yon. Tagal naming nagsama at nagkatrabaho eh. At least hindi nawala ‘yung friendship namin. ‘Yon na lang pinagpapasalamat ko. Sa ngayon muna, best friends muna po kami. Mag-stick muna kami doon kasi doon po kami mas magaan sa isa’t isa,” makahulugang pahayag ni Joshua. (Reports from JCC)

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with