Male personality na pinupuri, tinalikuran na ang pinanggalingan!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2019 - 12:00am

Natural lang na kapag may ginagawang positibo ang kahit sino ay pilit pa rin siyang hahanapan ng mga butas para kontrahin ang magagan­da niyang ginagawa.

?Ganu’n ang nangyayari ngayon sa isang male personality na nagpapakitang-gilas sa kanyang trabaho, maraming kuwentong lumulutang ngayon tungkol sa mga dati niyang ginagawa, makontra lang ang mga pagbabagong siya ang namumuno ngayon.

?Kuwento ng isang source, “Pinagkukuwentuhan kasi ngayon ang mga ginagawa niya nu’ng may powers pa siya sa place. Napakalaki raw ng kinikita niya sa mga parking lot. Sa kanyang bulsa lang daw ‘yun nauuwi.

?“Meron daw namang napupunta sa munisipyo, pero mas malaking amount ang napupunta sa kanya, ‘yun daw ang dahilan kung bakit nakapagpapatayo siya ng magarbong house at kung bakit nag-aaral sa mga exclusive schools ang mga anak niya!

?“Kaya nga nu’ng sabihin niya na may kumakausap kuno sa mga staff niya na handang magsuhol nang limang milyon, e, nagtawanan lang ang mga kakontra niya!

?“Tantanan na raw niya sana ang mga ganu’ng pa-effect, kasi nga, e, dati rin naman siyang patong sa mga parking lot sa city nila!” unang kuwento ng aming impormante.

?Isa pang pagpansin sa male personality ay ang diumano’y pagtalikod na niya sa kanyang pinanggalingan. Bumaklas na raw siya sa dati niyang buhay, yumabang na siya, dahil sa kapangyarihang hawak niya ngayon.

?Patuloy ng aming impormante, “Maraming galit na galit sa kanya ngayon. Mga dati niyang kasalamuha pa ang talagang sumusumpa sa kanya ngayon dahil sa mga ginagawa niya.

?“Matitindi ang mga salitang ibinabato sa kanya ngayon, yumabang na raw siya, kinalimutan na raw niya kung saan siya nanggaling! Tinalikuran na raw niya ang buhay-mahirap na pinagmulan niya!

?“Kilalang-kilala raw ng mga taong ‘yun ang pagkatao niya, ang hina at lakas niya, kaya tantanan na raw niya ang pagpapapogi dahil pogi naman talaga siya!” isa pang sultada ng aming source.

?Kung maraming pumupuri sa mga positibong ipinakikita ngayon ng male personality ay may katumbas din na pagdududa ang marami niyang mga kasamahan sa mga ipinakikita niya ngayon.

?Sabi nga ng aming impormante sa kanyang pagtatapos, “Tama na ang pagpapakitang-gilas! Tama na raw ang pagpapapogi! At sana nga, e, mapanindigan niya ang mga pinaggagagawa niya ngayon!”

?Ubos!

Alden walang kasing ligaya

Walang kasing ligaya ngayon si Alden Richards. Nagkaroon ng napakagandang resulta ang mga ginawa niyang pagpapagod at pagsasakri­pisyo para sa pelikula nila ni Kathryn Bernardo.

?Ang masabihan siya ng kanilang direktor mismo na hindi lang siya marunong umarte kundi maga­ling ay isang nakatataba ng pusong komplimento.

?Ang kapitan na ng kanilang barko na si Direk Cathy Garcia-Molina ang nagbitiw ng ganu’ng papuri, kilalang-kilala ang matabil na dila ng direktor sa pagsasabi ng gusto at ayaw nito, kaya parang nakatanggap na rin ng tropeo si Alden Richards ngayon.

?Ilang taon na ang nakararaan ay ipinagtanong namin kung sino si Alden Richards. Regular kasi naming napanonood nu’n ang seryeng Alakdana ng GMA-7. Kumukuha ng atensiyon ang pagganap ng guwapong binata.

?Nu’n pa man ay naisip na namin na isang araw ay ngingitian siya ng kapalaran. At hindi lang ngiti ang naganap kundi halakhak, dahil ipinanganak ang tambalan nila ni Maine Mendoza, na mas nagpakinang ng kanyang pangalan.

?Swak na swak ang kanilang tambalan ni Kathryn Bernardo na puwede naming sabihin na nangunguna ngayon sa hanay ng mga young actress ng ABS-CBN.

?Sabi ni SOS, “Agree po kami sa sinabi n’yo na wala nang makapipigil pa sa tagumpay ng Hello, Love, Goodbye, nangangamoy-blockbuster na po ngayon pa lang ang movie nina Alden at Kathryn.

?“Bihira na lang po kaming manood ng local films, pero siguradong aabangan namin ang movie nila hindi dahil sa tema ng movie, kabisado na po namin ang Star Cinema sa paggawa ng pelikula.

?“Love story, rom-com, pero palaging may sub-plots about family, kaya palaging blockbuster ang mga movies nila na ang dating, e, hitting two birds with one stone lang.

?“We will watch the movie dahil sa bagong tambalan nina Alden at Kathryn, tambalan pa lang nila, e, pambenta na, panonoorin po talaga naming magkakaibigan ito kahit pa hindi namin bet ang mayabang at palamura nilang direktor! Charot!” komento ni SOS.

?Panalo!

ALDEN RICHARDS AND KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with