^

PSN Showbiz

Ian magiging Kapuso na?!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Ian magiging Kapuso na?!
Ian

Kasisimula pa lamang ng seryeng The Better Woman nina Derek Ramsay at Andrea Torres ng GMA-7 pero punum-puno na agad ito ng intriga. Balita kasing may makakasama pa silang isa at sinasabing si Ian Veneracion daw ito na biglang lumipat sa Siyete. Wala raw kaalam-alam ang casts sa isyung ito.

Samantala, itinanggi naman ito ng GMA-7 at sinabing wala itong katotohanan.

Enzo mas winner sa lampungan nila ni Sunshine

Sa ginawang maiinit na eksena nina Enzo Pineda at Sunshine Cruz na halos wala talagang saplot para sa pelikula nilang Malamaya for Cinemalaya 2019 na ipapalabas sa August, sinasabing si Enzo ang mas aangat sa ginawa nilang ito.

Mukhang sinuwerte ang ex-Kapuso actor sa kanyang career dahil sa magagandang projects na dumarating sa kanya. Isa na nga riyan ang seryeng Nang Ngumiti Ang Langit na pinagbibidahan ng child star na si Sophia Reola.

Sa nasabing serye sinisimulan ang pagbi-build up ng tandem nila ni Michelle Vito at mukhang epektib dahil marami silang napapakilig.

Samantala, marami ang nag-aabang sa movie nina Enzo at Sunshine kahit pa marami nang nauna sa kanila na gumawa nito, tulad na lang nina Tony Labrusca at Angel Aquino, pati na rin sina Kit Thompson at Mylene Dizon.

First time raw ni Enzo ang gumawa ng isang May-December movie na kapag nagkataon ay tuluy-tuloy na siya sa hinahangad niyang recognition.

Mayor Isko dumami ang kaaway  

Inakusahang anti-poor diumano ang bagong ama ng Maynila na si Mayor Isko Moreno dahil sa mga ginawa nitong paglilinis at pagpapatanggal ng mga illegal vendor sa daan na siyang nagdudulot ng matinding traffic.

Para sa isang nanggaling sa pagiging mahirap ay masakit ito para sa kanya, pero may mga dapat siyang ipatupad. May ibinibigay naman siyang alternative, meron silang paglilipatan kung gugustuhin nila. Ang iba ay bumalik na lamang sa pinanggalingan nila.

Nakikisimpatiya ako kay Mayor Isko, kasabay ng mabuti niyang hangarin ay ang pagkakaroon ng mga bagong kaaway na pipiliting masira ang kanyang pangalan at maganda niyang hangarin. Payag siyang isipin ng lahat na kapag nakabalik ng kanilang lugar ang mga pinaalis niyang nagtitinda ay nalagyan na siya.

vuukle comment

IAN VENERACION

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with