^

PSN Showbiz

Female personality pinagsasabay ang pag-aalaga sa businessman lover at lalaking nali-link sa kanya na businessman din

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Binubulabog ng isang pamosong female personality ang kapaligiran. Bakit daw ganu’n? May kilalang businessman na karelasyon ang aktres pero bakit nauugnay pa siya sa ibang kilalang personalidad sa lipunan?

Anong magic daw ba meron ang magandang female personality na ito ay nakakaya niyang makipagmabutihan sa ibang lalaki samantalang meron nang may-ari ang kanyang puso?

Ano raw kaya ang nararamdaman ng businessman-boyfriend (dahil hindi naman sila kasal kahit pa dekada na silang magkarelasyon) ng aktres kapag lumalabas ang mga balitang sangkot ang ibang lalaki sa kanyang buhay?

Saka bakit daw nakakayang pagsamahin ng kilalang female personality ang kanyang matagal nang karelasyon at ang bagong businessman na ikinakabit sa kanyang pangalan?

Kuwento ng aming source, “Talagang kung hindi mo alam ang kuwento, e, maloloka ka sa klase ng pagdadala ng relasyon ng girl na ‘yun! Maloloka ka talaga!

“Marami nang naloka sa kanya! Marami nang nagtatanong kung paano niya nagagawa ang ganu’n, pero wala naman silang mahanap na sagot! Ano nga ba ang nagaganap?

“Nagdi-dinner silang magkakasama. Ang karelasyon niya ang nasa kanan, ang bagong businessman na nali-link sa kanya ang nasa kaliwa niya. Join the club talaga silang tatlo!

“At ang nakakaloka pa, e, nakikita sila ng mga katabi nilang kumakain sa yayamaning resto, parehong inaalagaan ng girl ang dalawang guys na katabi niya, as in para siyang yaya na matiyagang pinagseserbisyuhan ang dalawang alaga niya!

“Kaya n’yo ‘yun? Carry n’yong makasama ang dalawang lalaki na es­pesyal sa buhay n’yo na parang wala lang? Di ba naman, nang magpaulan ng galing sa pakikipag­relasyon ang langit, e, nagtanggal ng bubong ng house nila ang girl na itey?

“Nasambot niya ang lahat ng magic, maparaan siya sa pakikipagrelasyon, siya lang ang nag-iisang nakakagawa ng ganu’n, sa totoo lang!

“Puwede kayang magpaturo sa kanya kung paano mamangka sa dalawang ilog nang hindi siya nalulunod? Aba naman, matindi ang ginagawa niya, sobrang lakas ng loob niya!

“Siya na talaga ang babaeng bukod na pinagpala, siya na talaga ang nag-iisang babaeng kayang pagsamahin ang mga lalaking nali-link sa kanya, walang ibang nakagagawa ng ganu’n kundi siya lang!

“Hindi na kailangang hambalusin ng bareta ng sabon ang girl na ito dahil harap-harapan niyang nagagawa ang gusto niya nang walang kasabit-sabit!” manghang-manghang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Fans nina Alden at Kathryn tuloy ang suporta kahit wala sina Maine at Daniel 

Isang malaking fake news ang lumalaganap na kuwento ngayon na iboboykot daw ng mga tagahanga nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ang pinaghirapan nilang pelikulang Hello, Love, Goodbye.

Tunay na fake ang balitang ‘yun dahil ngayon pa lang, kahit may kalayuan pa ang July 31, ay nakaplantilya na ang mga naka-schedule na pribadong screening ng pelikula. Ganu’n katindi ang suportang ibibigay ng KathNiel sa pelikula nina Alden at Kathryn.

Maging ang mga tagasuporta ni Alden ay susuporta rin sa pelikula ng kanilang idolo kahit hindi si Maine Mendoza ang kanyang kapareha.

Ang ganu’ng kuwento ay pinalulutang lang ng mga grupong nanggugulo dahil ngayon pa lang ay nakahanda na ang mga kababayan nating dumayo sa mga sinehan para suportahan ang Hello, Love, Goodbye.

Sa ganda ng trailer ng pelikula, sa galing sa pagganap nina Kathryn at Alden, kahit anong palutang pa ng boykot ang ipamalita ng ibang grupo ay wala nang makapipigil pa sa tagumpay ng proyektong ito.

Siguradong lulutang sina Alden at Kathryn sa ganda ng kuwento ng Hello, Love, Goodbye, mamarkahan ang kanilang pagganap, mananalamin sa kanilang kuwento ang mga kababayan nating OFW na tinitiis ang lungkot para lang mabigyan ng magandang buhay ang mga iniwan nilang pamilya sa Pilipinas.

Masarap manood ng produktong higit pa sa puhunan natin sa takilya ang baon-baon natin pauwi pagkatapos dahil makabuluhan ang pelikula.

Idagdag pa na hindi lang basta sikat sina Alden Richards at Kathryn Bernardo, mga sikat silang personalidad na may kabuluhan ang pag-arte, kaya saan ka pa?

 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS AND KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with