^

PSN Showbiz

Tapatan ng mga Big Four, umpisa na

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Tapatan ng mga Big Four, umpisa na
Big Four

Umpisa na ng mas mainit na labanan sa PBB Otso ngayong isa-isa nang magbabalik sa bahay ni Kuya ang Big 4 ng bawat batch at upang hiranging ultimate big winner.

Una nagbalik sa PBB house noong Linggo (Hulyo 7) sina Karina Bautista ng Teen Batch 1 at Fumiya Sankai ng Adult Batch 2 na mainit na sinalubong ng kanilang fans. Agad din silang sumalang sa isang task kung saan nagsilbing human roulette si Fumiya at kinakailangang matamaan ni Karina ang mga marking na magdidikta sa kanilang magiging pagkain.

Bukod naman sa pagbabalik-bahay ng Big 4 ng bawat batch, dapat ding abangan kung sino nga ba ang ibinoto ng taong bayan na big winner ng bawat batch at paano nga ba nito mababago ang takbo ng laban ng housemates.

Samantala, kinumpleto nina Kiara Takashi at Argel Saycon ang listahan ng Batch 4 Big 4 matapos makakuha ang dalawa ng pinakamataas na boto mula sa taong bayan. Una naman nang nakapasok sa pinag-aagawang pwesto sina Akie Poblete at Wealand Ferrer nang mapagtagum­payan nila ang Big Jump challenges ni Kuya.

Sino nga kaya ang magtatagumpay at hihira­nging ultimate big winner?

Panoorin ang PBB Otso, gabi-gabi sa ABS-CBN. 

vuukle comment

PBB OTSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with