^

PSN Showbiz

Sunshine naghubo’t Hubad sa May-December Affair

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Sunshine naghuboât Hubad sa May-December Affair
Sunshine

Sigurado ako na maski na ang tres marias ni Sunshine Cruz ay magugulat sa lakas ng loob na ipinamalas ng kanilang ina sa pelikulang Malamaya, isang entry sa 15th Cine­malaya Philippine Independent Film Festival na magaganap sa August 2-11 at mapapanod sa CCP at ilang piling sinehan sa Kamaynilaan. Hindi naman siguro nila mapapanood ang movie pero tiyak mababalitaan nilang naghubo’t hubad ang kanilang ina sa kanyang eksena na ipinaliwanag naman niya na pinayagan niya dahil pawang mga babae lang nakaalalay sa kanya.

Tanging ang nakapareha niya na si Enzo Pineda at ang kumuha ng eksena ang mga lalaki at pumasok lamang sila nang handa nang kunan ang eksena. Nabigla din si direk Leilani Chavez nang mapanood ang eksena ng 40 taong gulang na aktres dahil napakagandang lumabas nito sa kuwento ng isang May-December love affair.

Nagulat siya dahil hindi sumailalim ng sensuality workshop ang mga bida niya pero, naibigay nila ang emosyon na hinihingi ng kanilang mga role. Malaki ang paniwala nila at ang lahat ng nakapanood ng rushes na hahangaan ang pelikula ng manonood at wala silang masasabing hindi maganda sa naging performance ni Sunshine.

Maiintindihan din ng mga anak niya ang kagustuhan niyang maitaas ang lebel ng kanyang pagiging artista.

Seth sinuwerte nang maligwak sa Big 4

Isa pa ring mukhang dinaraanan ng swerte sa kanyang pag-aartista ay si Seth Fedelin na hindi man napabilang sa Big 4 sa kanyang nasamahang grupo sa Pinoy Big Brother ay umaarangkada na at kabilang na sa cast ng popular na seryeng Kadenang Ginto.

Laki siguro ng panghihinayang ng mga nag-text at hindi siya isinama sa Big 4 na siyang madalas na pagkakamali ng mga bumuboto sa pamamagitan ng text. Madalas yung napipili nila ay hindi yung pinakamagaling o the best. Swerte naman ni Seth na naipareha siya sa isa ring kabataang aktres na mabilis ang pagsikat, si Andrea Brillantes at tanggap ng fans nila ang kanilang loveteam. Ang Gold Squad nila ang tinatayang pinakamabilis na sumikat na grupo ng mga kabataang artista at tanggap ng fans ang tandem nila kasama sina Kyle Echarri at Francine Diaz. Bukod kina Beauty Gonzales at Dimples Romana, at ngayon pati na rin ni Richard Yap ang ipinalalagay na magmimintina ng top position ng KG.

Beauty malabo nang layasan ang Dos

Biruin n’yo kung natuloy ang paglipat sa GMA 7 ni Beauty Gonzales ay malamang walang Kadenang Ginto o kung magkaro’n man ay hindi ito sisikat ng tulad ng pina gsasamahan nila ngayon ni Dimples Romana.

Walang manonood ang magsasabing hindi ang tambalan nila ang nagbebenta ng serye. Bagay at walang itulak kabigin sa ginagawa nilang acting and verbal wars. At the time siguro ay naisip ng Bisa­yang aktres na humanap ng naiibang kapaligiran. May asawa na siya at baka nagkakaro’n na siya ng insecurity.

With the success of KG, maiiwan pa ba niya ang ABS-CBN?

Jolina effective din sa iyakan

Magaling naman ang naging performance ni Jolina Magdangal sa horror episode ng Maalaala Mo Kaya nung nakaraang episode ng nangungunang drama anthology ng bansa. Marami ang nagulat na pwede na pala siyang magdrama. Yung mga naunang projects nila ni Marvin Agustin ay pawang mga romcom, first time siyang nagpaka-mature sa MMK at hindi naman  niya binigo ang mga suki ng programa.

Malaki ang kontribusyon niya sa pagbaha ng luha sa kuwento, tanggap na siya sa isang mature role. Puna lang ng marami ay wala silang chemistry ng nakapareha niyang si Victor Silayan.

SUNSHINE CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with