^

PSN Showbiz

John Lloyd at Sharon puwede na sa GMA?

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd at Sharon puwede na sa GMA?
Sharon, John Lloyd

Kapamilya walang plano

Wala palang ka-plano-plano ang ABS-CBN for John Lloyd Cruz.

Wala na rin naman kasi pala itong contract with them. May mga lumalabas kasing hinihintay siya ng Kapamilya Network, ‘yun pala wala na siyang contract at walang naka-line up na project sa kanya.

Ayon sa isang insider ng Dos, bago pa natapos ang contract nito ay nine-negotiate na sana ito pero hindi nga nag-materialize kaya wala ring nangyari. Ito raw iyong time bago pa man siya nag sabbatical leave sa showbiz.

Usually daw ay six months before the contract ends, inaayos na ang renewal pero ito nga ay hindi naayos kaya nag-lapse na lang.

Wala ring naka-line up na project ang nasabing network for Ms. Sharon Cuneta. Tulad ni John Lloyd, expired na rin ang contract nito sa kanila.

Hindi nakasamang mag-judge sa The Voice Kids si Ms. Sharon. Tanging sina Lea Salonga, Bamboo Mañalac at Sarah Geronimo lang ang magiging mentor ng mga bata sa mag-uumpisang talent show.

I doubt naman kung gagawa ito ng teleserye.

Puwede na kaya silang maging Kapuso? Interesado ba ang GMA-7?

Korina host, makulay na karera ni manoy gugunitain sa The Eddys mananalong best actress hinihintay na!

Pangungunahan ng batikang broadcast journa­list na si Korina Sanchez-Roxas ang espesyal na edisyon ng ikatlong Entertainment Editors’ Choice o The EDDYS na gaganapin sa July 14, Linggo, 7 p.m., sa New Frontier Theater. 

Katuwang ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa pamumuno ni Chairperson Liza Diño, gugunitain ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang makulay na buhay at karera ng yumaong 2018 EDDYS Icon awardee at 2019 best actor nominee (Rainbow’s Sunset) na si Eddie “Manoy” Garcia.

Sa gabi ring iyon ay maglalaban-laban at tatanghalin ang mga tinaguriang “best of the best” ng taong 2018.

Magsasalpukan sa kategoryang best picture ang Goyo, Rainbow’s Sunset, Citizen Jake, Liway at Signal Rock.

Sina Kathryn Bernardo (The Hows of Us), Sarah Geronimo (Miss Granny), Nadine Lustre (Never Not Love You), Glaiza de Castro (Liway), Judy Ann Santos (Dalawang Mrs. Reyes), Angelica Panganiban (Exes Baggage) at Gloria Romero (Rainbow’s Sunset) naman ang magbabakbakan para sa pagiging best actress.

Best actor nominees sina Dingdong Dantes (Sid & Aya: Not A Love Story), Paolo Contis (Through Night and Day), Christian Bables (Signal Rock), Piolo Pascual (Ang Panahon ng Halimaw), Daniel Padilla (The Hows of Us), Carlo Aquino (Exes Baggage) at Eddie Garcia (Rainbow’s Sunset).

Bilang pakikiisa naman sa selebrasyon ng ika-100 taon ng pelikulang Pilipino, kikilalanin sa EDDYS Parangal sa Sandaan ang “unsung heroes” at mga alagad ng sining na nag-alay ng ‘di matatawarang oras, lakas at talento sa industriyang minahal sa loob ng mahabang panahon.

Ang TV host-journalist na si Lourd de Veyra ang tatayong anchor ng EDDYS Parangal sa Sandaan na kabilang ang mga beteranong sina Tommy Abuel, Pepito Rodriguez, Perla Bautista, Lorli Villanueva, Robert Arevalo at Odette Khan.

Pararangalan din ang 2019 EDDYS ICON awardees na sina Amalia Fuentes, Vilma Santos, Tirso Cruz III, Christopher de Leon, Joseph Ejercito Estrada, Eddie Gutierrez, Dante Rivero, Celia Rodriguez, Anita Linda at Lorna Tolentino.

Anim pang special awards ang ipamimigay ng SPEEd sa 3rd EDDYS: Ang Joe Quirino Award (Cristy Fermin), Manny Pichel Award (Ethel Ramos), Producer of the Year (Star Cinema), Rising Producers’ Circle (Spring Films at T-Rex Entertainment), Lifetime Achievement Award (Elwood Perez) at posthumous award para sa yumaong hari ng komedya na si Dolphy.

Ang stellar performances ay pangungunahan ng pop diva na si Kuh Ledesma kasama sina Ice Seguerra, Aicelle Santos, Gerald Santos, Rayver Cruz, Lara Maigue, Bituin Escalante, Rita Daniela, Hashtag Rayt Carreon, Jem Cubil & Andrea Babierra, Sean Oliver, RJ dela Fuente, Both of Us (BOU) at Raket Manila Dancers.

Red carpet hosts ang Kapuso artists na sina Juancho Trivino at Arra San Agustin.

Ang 2019 EDDYS ay produced ng Echo Jham Entertainment Productions, sa ilalim ng direksyon ni Calvin Neria. 

Ito ay presented by Cignal TV at mapapanood sa Colours (Channel 60 SD at Channel 202 HD) sa July 21, 9 p.m.

Para sa mga interesadong manood nang live sa 3rd EDDYS awards night, maaari kayong makakuha ng libreng tickets, dalawa kada tao, sa New Frontier Theater box office simula bukas, July 9, July 10 at 12, 1-5 p.m., on a first come, first served basis.

 

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with