Ogie Diaz
Manager tuloy ang demanda sa nagkalat na buntis si liza
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - July 7, 2019 - 12:00am

Pursigido ang manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz na ituloy ang pagsasampa ng kaso laban sa DJ na si Kapitana Sisa o si Glenn Dy kahit naglabas na ito ng public apology sa kanyang vlog.

Hindi lang ako sure, pero tinanggal na rin yata ng DJ na ‘yun ang apology dahil puwede ring gamitin iyun laban sa kanya kung matutuloy ang demanda.

Ipinost lang din ni Ogie sa kanyang Facebook account na hindi raw niya matanggap ang ‘generic’ na apology ng DJ.

Kaya tuloy pa rin ang kaso dahil damaging nga naman ang mga inilabas niyang kuwento laban sa Kapamilya  actress.

Nag-agree rin dito ang ama ni Liza na dapat na ituloy ni Ogie ang kaso.

Sabi naman ni Ogie nang nakapanayam ito sa radio program namin sa DZRH nung isang gabi, bilang isa ring reporter, dapat daw na nag-research naman ito kung totoo ba o hindi. Hindi lang ‘yung basta na lang kuwento ka lang nang kuwento na wala namang basehan.

Kaya hinahamon ni Ogie ang DJ na maglabas lang siya ng kahit isa lang pruweba na totoo itong ibinabalita niya kay Liza, willing daw siyang magbigay ng isang milyong piso.

Sabi nga niya sa kanyang FB account; “Kung mapapatunayan mong totoo yang claim mo (at binanggit mo pa talaga ang name ko kaya um-ob­vious ang tsika mo), bigyan kita ng isang milyong piso (yes, P1M) para hindi ka na nang-uuto ng subscri­bers mo. Totoo yang hamon ko.

“Pero kung mapatunayan nating nag-iimbento ka na may source ka, kahit isang kutos lang sa ulo mo, happy na ako.”

Medyo mahirap nga itong pagdadaanan ni Kapitana Sisa dahil seryoso si Ogie sa sinasabi niyang magdedemanda siya.

Mahirap pa naman ngayon at mas mabigat ang Cyber Libel.

Sabi naman ni Ogie, hindi na niya inaabala si Liza sa isyung ito dahil nasa Amerika pa ito at nagpapagaling pa pagkatapos ng surgery na ginawa sa kanyang daliri.

Nasa recovery na ngayon si Liza at ipinost na nga niya sa kanyang Instagram account ang mga kuha ng daliri niyang inoperahan.

Meron pang nakabukas nga ito na may bakal sa loob.

Derek walang pinagsisisihan na hiniwalayan si Joanne!

Lalong naintriga ang karamihan sa break-up nina Derek Ramsay at Joanne Villablanca dahil sa tono ng mga sagot ng Kapuso actor, parang wala na talagang pag-asang magkabalikan sila at mukhang wala na siyang nararamdaman sa dating nobya.

Nag-comment ang isang fan niya sa isang post niya kahapon na nanghihina­yang sa relasyon nila ni Joanne.

Sabi ng fan, “It’s sad that you let go of Jo. She’s definitely the better woman. I hope you don’t regret it… she’s a great catch!”

Sinagot ito ni Derek ng “no regrets.”

Ilang beses nga siyang umiiling na malabo na raw talaga silang magkabalikan, kaya lalo kaming naintriga kung ano talaga ang dahilan nang kanilang paghihiwalay.

Sa trabaho naman daw naka-focus ngayon si Derek lalo na’t maganda raw ang feedback sa The Better Woman nila ni Andrea Torres.

Nasa Dubai nga siya ngayon at tutuloy ng United Kingdom para sa GMA Pinoy TV.

EA pumoporma sa isang Starstruck finalist kahit sila pa ni Shaira?!

Napagalitan pala ni Ruru Madrid ang kapatid niyang Starstruck finalist na si Rere Madrid dahil sa na-late itong dumating sa isang shoot ng naturang talent-reality search.

Iyun naman daw kasi talaga ang kabilin-bilinan ni Ruru sa kapatid niyang huwag maging pasaway kaya nakatikim tuloy ng talak nang nalamang na-late ito.

Samantala, tuloy na-curious ang karamihang sumusubaybay sa Starstruck dahil ang dami nang nagkakainteres sa karamihang finalists.

Kagaya nitong si Pamela Prinster na dating pinormahan ni Andre Paras, ngayon naman daw ay mukhang may balak si Edgar Allan Guzman.

Panay daw ang text ni EA ng heart emoji kay Pamela pero deadma lang ang bagets dahil ang alam daw niya may girlfriend na ito.

Lalo namang pinagnasaan itong si Jerick Dolormente na tinawag nilang si Bukol king.

Parang proud naman daw kasi siya sa bukol niya na naisigaw pa niya ito sa isang workshop.

Deadma pa nga siya kapag kinukunan ang harapan niya.

Kaya baka nga pang-sexy na ang packaging nito na okay lang naman daw sa kanya.

Samantala, dalawang Starstruck hopefuls ang nakapasok pagkatapos matanggal ang dalawang finalists.

Kaya lalong tumitindi ang labanan, at mamayang gabi naman ay may panibagong twist na naman daw na ikagugulantang nilang lahat.

LIZA SOBERANO OGIE DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with