Jon umaasang gaganda ang career
It was last month nang magpaalam ang 23-year old actor-dancer na si Jon Lucas sa kanyang dating home studio, ang Star Magic na siyang namahala sa kanyangcareer since 2013.
?Kung matatandaan pa, na-suspend si Lucas sa noontime show na It’s Showtime kung saan siya kabilang sa Hashtags, ang all-male dance group na regular na napapanood sa nasabing programa nang mapabalitang nabuntis umano nito ang dancer din sa noontime program na kabilang naman sa ibang dance group na si Shy Feras who, eventually, became his wife nang ito’y kanyang pakasalan in October 2017, isang buwan bago isinilang ang kanilang baby na si Brycen Christian in November.
?Nang magpaalam si John sa Star Magic, agad lumutang ang balita na malamang na ito’y lilipat sa Kapuso network. True enough, lumagda si Jon ng bagong management contract with GMA Artists Center at meron siya kaagad TV project, ang local remake ng hit Koreanovela na Descendants of the Sun na pinangungunahan ni Dingdong Dantes.
?Ngayong nasa bakuran na ng GMA-7 si Jon, umaasa ang actor na mabibigyan siya ng mas maraming proyekto lalo pa’t isa na siyang family man.
Liz nag-i-invest na naman sa indie
?Kumusta na kaya ngayon ang dating in-demand lead star nung dekada otsenta, ang sexy actress na si Liz Alindogan?
?“I’m still open to do movies o di kaya mag-appear sa TV kung may magandang offer,” pahayag ng 57-year-old actress-turned successful businesswoman.
?“Actually, ang successful businessman ay ang husband ko, si Benny (Kho), ako support lang niya,” natatawang pahayag ng ex-girlfriend ni Jess Lapid Jr. kung kanino siya may dalawang grown up children. Apat naman ang anak niya sa kanyang husband na si Benny na ang panganay ay isa nang ganap na doctor.
?Inamin sa amin ni Liz na na-trauma umano siya sa pagpu-produce ng pelikulang The Diary of Vietnam Rose in 1986 kung saan niya co-star noon si Celso Ad. Castillo na siya ring director ng nasabing movie na hindi natapos. Dito umano naubos ang kanyang naitabing pera. Pero inamin niya na marami siyang natutunan from that experience kaya lately ay nag-i-invest pa rin umano siya sa ilang indie movies but not as solo producer anymore.
?Ramona sa Japan naglalagi kasama ang pamilya
?Kahit sa San Diego, California, USA at ngayon sa Japan naka-base ang dating sexy star na si Ramona Revilla with her American engineer husband na si Fred Farrell at 6-year-old triplets na sina Fersiana, Freohsyl at Frederie, they make it a point na umuwi sila ng Pilipinas at least twice or thrice a year.
?Aminado ang mag-asawang Ramona at Fred na hindi madaling magpalaki ng triplets pero dahil pareho silang hands-on parents to the kids ay unti-unti nang nagiging madali para sa kanila ang lahat lalo na ngayon na pare-pareho na silang nakakaintindi at may iba’t ibang interest na gustong gawin.
?Bago pa man nagkakilala sina Ramona at Fred ay isa nang successful businesswoman ang dating actress (na napaka-sexy pa rin hanggang ngayon) kaya marami na rin itong naipundar na property including their house sa BF Homes, Parañaque na ginagawa nilang bakasyunan sa tuwing sila’y nasa Pilipinas.
May malaking bahay din sila sa San Diego, California habang ang kanilang tinutuluyang malaking bahay in Japan (kung saan ngayon naka-assign sa isang US base si Fred) ay provided sa kanila ng US government.
Kristine devastated pa
?Inamin ng Las Vegas, Nevada-based former actress na si Kristine Garcia na devastated umano siya sa pagpanaw ng kanyang ina, ang dati ring aktres (ng dekada `60) na si Vivia Lorraine (Maria Lourdes G. Perez in real life) na sumakabilang-buhay dahil sa lung cancer last June 22, 2019, two days after the death of movie icon Eddie Garcia on June 20 at kinabukasan, June 21 ay namaalam din ang jazz icon na si Jacqui Magno.
?Taong 2015 pa umano na-diagnose ang sakit ni Vivian na lung cancer pero gumaling umano ito at bumalik lang nitong early this year at umabot na ito sa stage 4.
?Dumaan din ang aktres sa depression at naging dependent umano siya sa mga sleeping pills para lamang makatulog. Kung nanatili lamang daw siya sa Pilipinas ay baka matagal na umano siyang na maalam.
- Latest