"[A]fter seeing the results of my annual checkup, I am free of cancer," sabi ng nag-iisang Mr. Pure Energy ngayong araw.
Instagram/Gary Valenciano
Gary Valenciano magaling na sa kidney kanser
James Relativo (Philstar.com) - July 5, 2019 - 6:24pm

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng mang-aawit at aktor na si Gary Valenciano na tuluyan na siyang gumaling mula sa kidney cancer sa isang tweet madaling araw ng Biyernes.

"[A]fter seeing the results of my annual checkup, I am free of cancer," sabi ng nag-iisang Mr. Pure Energy ngayong araw.

(Pagkatapos kong makuha ang resulta ng taunan kong pagpapatingin, magaling na ako mula sa kanser.)

Halos isang taon na rin ang nakararaan nang una niyang malaman ang tungkol sa sakit habang nagpapagaling pa mula sa bypass procedure niya noong ika-6 ng Mayo, 2018.

Maliban sa kanser niya noon, humaharap din kasi siya sa type-1 diabetes.

Agaran naman siyang nagpa-opera matapos malaman ang panibagong karamdaman.

"A few weeks later, on June 13, 2018 I underwent surgery to remove the cancer from my kidney," paliwanag ni Gary.

(Matapos ang ilang linggo, noong ika-13 ng Hunyo, 2018 sumailalim ako sa surgery upang ipatanggal ang kanser ko sa bato.)

"Indeed there is absolutely nothing impossible with God."

(Totoo nga na walang imposible sa Diyos.)

Hindi naman niya nakalimutang pasalamatan ang kanilang pamilya, mga doktor, malalapit na kaibigan, simbahan at mga fans na labis na sumuporta sa kanya.

"God is good (Mabuti ang Panginoon)," kanyang panapos.

CANCER DIABETES GARY VALENCIANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with