^
Miguel at Bianca walang planong sukuan si Coco!
Miguel

Miguel at Bianca walang planong sukuan si Coco!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - July 5, 2019 - 12:00am

Pabiro ang sagot ni Miguel Tanfelix na aabot pa raw ng dalawang taon ang Sahaya nila.

Depende naman daw kasi iyun sa management ng GMA-7, dahil wala naman daw silang magagawa kung hanggang kailan ang drama series nila.

Mas challenging lang daw ngayon dahil itinapat na sila sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Pero ang alam daw nila magtatagal pa sila.

Kaya nga napabiro na lang si Miguel na may two years pa ang drama series nila. Nakakatuwa lang daw dahil lalong dumami ang mga supporters nila dahil minahal sila lalo sa Sahaya.

Kaya ibang challenge din daw itong pinagsama sila sa pelikulang Family History ni Michael V. “It’s a good experience,” pakli ni Bianca.

Itong role daw kasing gina­gampanan nila sa Family History ay ibang-iba sa Sahaya na mas malapit sa totoo nilang personalidad. “Pinaka-close kasi ito sa totoong kami. Maraming millennials na makaka-relate dito,” pakli ni Miguel.

“This time, dito kasi sa role namin na sina Mannix and Jenna, almost Miguel and Bianca. And that’s what makes it different because, it’s how natural is going to look at kung gaano kami ka-relax at kung sino lang kami talaga,” dagdag naman ni Bianca.

Kung paano raw sila minahal sa Sahaya, sana ganundin daw dito sa Family History na magsu-showing na sa July 24.

Nakaramdam na gustong tigbakin ang serye, aktres biglang nagsisipsip sa mga bossing

Nararamdaman na yata ng magaling na aktres na baka mawalan siya ng programa dahil hindi na ito umaa­lagwa sa ratings.

Ito lang naman kasi ang nag-iisa niyang show, at hindi na siya nabibigyan ng iba pa  dahil hindi pumapalo sa ra­tings ang programa niya.

Medyo tensyonada na raw siya at baka mabalitaan na lang niya tatapusin na ito.

Kaya nagpaparamdam na raw siya ngayon sa mga bosses ng TV network.

Una, nagpadala raw muna siya ng mga prutas at pagkain na regalo sa mga boss.

Sumunod ay humingi na siya ng meeting para makipag-usap sa mga boss. Hindi lang alam kung ano ang pinag-usapan, pero iyun ang ina-assume ng mga kata-katerang staff dahil nababahala na raw siya sa mababang ratings ng programa na hindi matalo-talo ang katapat.

Ano pa raw kasi ang mangyayari sa career niya kung mawalan pa siya ng programa.

Hindi kasi okay makitungo sa staff itong si aktres kaya pinagtsitsismisan tuloy siya ng mga staff na katrabaho niya.

Pero so far, wala pa naman daw sila naririnig na tatapusin na ito dahil may commitment pa raw sa ibang sponsors ng hanggang end of this year.

Kaya dapat karirin na nila ito, para hindi pag-isipang tsutsugihin.

Bukol king ng Starstruck, binigyan ng workshop

Kay Michael V. naman ngayon dadaan sa Artista test ang Final 14 ng Starstruck.

Mapapanood ito bukas at magugulat na naman ang mga bata sa pasabog na magaganap.

May mangyayaring desisyon ang mga Starstruck Council sa ilang mga finalists at ganundin sa anim na pinabalik.

Iyun ang aabangan sa first talent-reality search na ito bukas nang gabi.

Samantala, lalong pinagpantasyahan itong guwapong finalist na si Jerick Dolormente dahil sa bansag sa kanyang ‘bukol king’.

May isang workshop pala sila na natuon sa pagiging bukol king niya kaya tiyak na lalong pag- na­nasaan ito ng mga kababaihan lalo na ang kabadingan.

MIGUEL TANFELIX STARSTRUCK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with