^

PSN Showbiz

Aktres sobra ang kadakilaan sa dating asawang nagbibisyo!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sumasaludo ang lahat ng magkakaumpukan isang gabi sa isang magandang female personality na napakadakila ng puso. Hindi lang siya maganda, napakabusilak din ng kanyang kalooban, gusto siyang ipagpatayo ng monumento ng mga nagkukuwentuhan.

Nagsimula ang relasyon nila ng isang kilalang male perso­nality nu’ng mga bagets pa sila. Mga batang pag-ibig, hinusgahan agad na ilang taon lang ay mauuwi rin ‘yun sa hiwalayan, pero maraming nagkamali.

Nagtagal ang kanilang relasyon bilang mag-asawa, nagkaroon sila ng mga anak, naging maganda ang daloy ng kanilang relasyon nang maraming taon hanggang sa isang araw ay nag-usap na sila nang masinsinan.

Kuwento ng aming source, “Para maging magkaibigan pa rin sila, e, kailangan na nilang maghiwalay. Kung magsasama nga sila, pero araw-araw namang makikita ng mga anak nila na hindi sila nagkakasundo, mas maganda nang magkani-kanyang buhay na sila.

“So, ganu’n nga ang nangyari. Nasa mommy ang mga anak nila, padalaw-dalaw lang ang male personality sa bahay na tinitirhan ng mag-iina, maayos ang kanilang naging usapan.

“May dahilan ang female personality kung bakit sa hinaba-haba ng pisi ng pasensiya niya, e, bumigay rin siya one day. Nagbibisyo ang lalaki, ayaw makinig sa mga payo, kaya umabot na ang babae sa sukdulan,” unang bagsak ng kuwento ng aming impormante.

Hindi naman kalayuan ang bahay nila sa isa’t isa, mas maganda na rin ‘yun sabi ng female personality, para kahit paano’y nababantayan pa rin nila ang aktor.

Patuloy ng aming source, “Pero one day again, nalagay sa alanganin ang buhay ng male personality, kinailangan siyang maoperahan. Matindi ang sitwasyon niya.

“Hindi nagkait ng tulong sa kanya si misis, talagang siya pa rin ang nag-alaga at sumubaybay sa tatay ng mga anak nila kahit pa hiwalay na sila. Siya ang gumawa ng lahat ng paraan para maging maayos ang condition ng male personality.

“Hindi ba naman kasalu-saludo ang kabaitan ng aktres? Anuman ang nangyari sa relasyon nila, e, talagang inalagaan niya pa rin ang male personality na itinuturing niyang first love?

“Ibang klase siya, karapat-dapat lang siyang ipagpatayo ng monumento dahil sa kadakilaan niya! Kumbaga sa ibon, e, hindi siya marunong sumuko, mataas siyang lumipad na tulad ng isang agila!” pagtatapos ng a­ming impormanteng gusto ring sumaludo sa aktres na may napakagandang puso.

Ubos!

Mayor Isko binabantayan sa ningas-cogon

Nagpakitang-gilas talaga ang bagong mayor ng Maynila. Sa ikalawang araw pa lang ng kanyang pagsisilbi bilang ama ng lunsod ay ibang-iba na ang hitsura ng mga dating lugar na nagiging malaking problema ng kanilang lunsod.

Ipinalinis agad-agad ni Mayor Isko Moreno ang kahabaan ng Claro M. Recto Avenue. Ganu’n din ang dating hindi na halos madaanan na Carriedo. Ang Divisoria, ang Quiapo, ibang-iba na ang sitwasyon ngayon sa mga naturang lugar.

Malawak na ang Recto Avenue ngayon, puwede nang magpatakbo nang mabilis ang mga motorista, wala na ang mga nakahambalang na paninda sa gilid mismo ng kalye.

Nakakalanghap na rin ng hangin ang mga mananakay, nakapaglalakad na sila ngayon nang hindi patagilid, dati kasi’y nangangailangan na ng oxygen ang mga dumadaan du’n dahil sa sobrang sikip ng lugar.

Nakakaaliw ang pahayag ng milenyal na mayor ng Maynila, sabi niya sa isang interbyu, “Bata pa ako, e, may patong na ang mga barangay chairman, alam na alam ko ‘yan!

“Ang legal, e, etneb (beinte) lang sa umaga, etneb din sa hapon, pero ang tongpats, one hundred fifty pesos kada araw! E, puwede ba naman ‘yun? Takuwarents (kuwarenta) lang ang sa city hall, mas malaki pa ang sa patong?”

Pati ang mga ilegal na video karera shops ay ipinasarado na rin ng bagong mayor ng Maynila, minaso nila ng kanyang mga tauhan ang mismong mga makina, dahil may milagro palang nangyayari kapag hindi ganu’n ang kanilang ginawang aksiyon.

Ang hamon ni Mayor Isko Moreno sa mga nagsasabing sana’y hindi ningas-cogon lang ang kanyang mga ginagawa, “Kapag nagbalikan uli ang mga nagtitinda sa mga kalyeng nilinis namin, kapag napuno na naman ang mga k­alyeng dapat, e, daanan ng mga tao, pag-isipan nila ako agad na nalagyan ako!”

Read my lips, sabi pa ni Mayor Isko sa mga pasaway na na­ngongotong, subukan n’yo lang!

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with