^

PSN Showbiz

Roxanne at Maui nagluluksa sa pagpanaw ng mga ama

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Roxanne at Maui  nagluluksa sa pagpanaw  ng mga ama
Roxanne Barcelo at Maui Taylor

Parehong nagluluksa ngayon ang dalawang  singer-actress na sina Maui Taylor at Roxanne Barcelo sa magkasunod na pagpanaw ng kanilang mga ama kamakailan lamang.

Si Maui ay huling napanood sa telebisyon last year bilang guest ng top-rating and longest-running action-drama TV series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin at nagkaroon din ng guest participation si Roxanne sa tumatakbong afternoon TV series na Los Bastardos.

Si Maui ay nagsimula sa teen-oriented program ng GMA-7 na Click in 1997 na tumagal hanggang 1999 at naging member din siya noon ng sikat na Viva Hot Babes in 2003 na kinabilangan din nina Andrea del Rosario, Katya Santos, Kristine Jaca, Sheree, Gwen Garci, Jen Rosendahl, Myles Hernandez at Hazel Cabrera.

Nang mabuwag ang sexy group na Viva Hot Babes ay nag-concentrate na sila sa kanilang res­pective solo career.

Si Roxanne naman ay naging bahagi rin ng isa pang youth-oriented program ng ABS-CBN at napabilang din siya sa PBB: Celebrity Edition in 2016. Bukod sa acting ay pinasok din ni Roxanne ang singing at recording.

Nung isang taon ay bumulaga ang balita na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend of five years, ang model-turned actor na isa ring ex-PBB housemate na si Will Devaughn.

Being single, mas naka-focus ngayon si Roxanne sa kanyang singing and acting career but is open to love again.

Dimples Maid of Honor sa kasal nina Angel at Neil?!

Alam mo, Salve A., natitiyak kong may special participation si Dimples Romana sa kasal ng newly-engaged couple na sina Angel Locsin at Neil Arce although hindi pa ipinaaalam ng couple kung kelan ito mangyayari.

Mag-best friends sina Angel at Dimples na nagsimula nang magsama sila sa pelikulang Love Me Again in 2008 at sa teleseryeng Lobo sa kaparehong taon.

Si Dimples ang dahilan kung bakit nakuha ni Neil ang tamang ring size ni Angel para sa mamahaling engagement ring na kanyang ibinigay sa kanyang fiancée.

Panganay ni Georgina umiiyak pag walang adobo

Baby boy muli ang isinilang ng Fil-British model  at It Girl na si Georgina Wilson-Burnand at ng kanyang British husband na si Arthur Burnand kamakailan lamang.

Ang panganay ng mag-asawang Georgina at Arthur na si Archie ay magtatatlong taon na sa darating na December. Ang nakakatuwa kay Archie, sobra ang hilig nito sa adobo at iiyak ito kapag wala ang adobo sa kanyang ulam.

Kung dalawa na ang anak ni Georgina sa husband niyang si Arthur, dalawa rin ang anak ng ex-boyfriend ni Georgina na si Richard Gutierrez sa fiancée nitong si Sarah Lahbati at pareho ring boy ang anak nila. Nananatili namang single pa rin ang isa pang ex-boyfriend ni Georgina na si Borgy Manotoc, ang panganay na anak ni Sen. Imee Marcos sa ex-husband nitong sportsman na si Tommy Manotoc.

Vic ipinasa kay Vico ang hindi nagawa

Kung ginusto ng singer-composer-turned TV host-comedian and producer na si Vic ‘Bossing’ Sotto ay noon pa sana siya pumalaot sa larangan ng pulitika tulad ng kanyang nakatatandang kapatid na si Senate President Tito Sotto at paternal grandfather na si Vicente Sotto, Sr. na naging senador ganundin ang kanilang tiyuhin na si Filemon Sotto na naging senador din. Pero walang hilig dito ang mister ni Pauleen Luna kaya ito’y napunta sa kanyang kaisa-isang anak sa veteran actress na si Coney Reyes na si Vico Sotto na binigyan naman ni Bossing ng kanyang 100% na basbas at suporta.

Unang tumakbo si Vico sa pagka-konsehal ng unang distrito ng Pasig in 2016 at siya ang nanguna sa mga nahalal na councilor during that year.

Sa halip na tapusin ni Vico ang tatlong termino (3 years) bilang konsehal ay tumakbo ito sa pagka-mayor ng Pasig nitong nakaraang mid-term elections at siya’y nanalo.

Kung si Vico ang nahalal na mayor ng Pasig thereby ending the political dynasty ng mga Eusebio, first cousin naman ni Vico ang nahalal na vice-mayor ng Quezon City na si Gian Sotto, anak nina Sen. Tito Sotto at veteran singer-actress na si Helen Gamboa.

vuukle comment

MAUI TAYLOR

ROXANNE BARCELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with