Bianca Umali
Miguel at Bianca natutong mag-invest sa lupa’t alahas
(Pilipino Star Ngayon) - July 3, 2019 - 12:00am

SEEN: Sa July 24 ang playdate sa cinemas nationwide ng Family History, ang drama/comedy movie ng GMA Pictures na pinagbibidahan nina Michael V at Dawn Zulueta. Kahit drama ang impression ng publiko sa trailer ng Family History, tiniyak ni Michael V na may comedy scenes ang kanyang unang movie directorial job.

SCENE: “Because of Michael V” ang sagot ni Dawn Zulueta nang tanungin siya tungkol sa kanyang desisyon na tanggapin ang alok ng GMA Pictures para magbida sa Family History.

SEEN: Lumitaw ang pagiging fan ng comedienne na si Kakai Bautista nang makatrabaho niya sa Family History lead stars. Hangang-hanga si Kakai kay Dawn dahil lumulutang daw ang kagandahan nito, kahit “ecobag” ang ipasuot.

SCENE: Ang mag-invest sa lupa at mga alahas ang mga natutunan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali mula kina Dawn Zulueta at Michael V.

SEEN: Cast member ng Family History si Paolo Contis na flattered at honored sa paniniwala ng entertainment press na versatile actor siya kaya dapat na binibigyan ng mga lead role sa pelikula. Hindi nakakalimutan ang mahusay na performance ni Paolo sa Through Night and Day.

SCENE: May iba nang project na ibibigay kay Jeric Gonzales ang GMA 7 dahil hindi na matutuloy ang Rosang Agimat.

SEEN: Tatapusin na ang isang programa ng major television dahil hindi ito humahataw sa ratings kahit mga sikat na showbiz personality ang lead cast. Kasado na ang programa na ipapalit sa television show na malapit nang magpaalam sa ere.

SCENE: Ikinalungkot ni AiAi Delas Alas ang pagpapaalam ni Miguel Tanfelix sa Sunday Pinasaya noong Linggo dahil gustung-gusto niya ang ugali ng young actor. Kung mabubuntis si AiAi, si Miguel ang gusto niya na paglihian.

BIANCA UMALI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with