Vic Sotto na si Pauleen Luna
Pauleen hinahangaan sa pagiging friendly sa lahat ng ex ni bossing!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - July 1, 2019 - 12:00am

Marami ang humahanga sa misis ngayon ng veteran TV host, actor-comedian at producer na si Vic Sotto na si Pauleen Luna dahil sa pagiging friendly nito sa mga ex at nanay ng  mga anak ng kanyang mister bukod pa sa pagiging close sa kanyang step-children na sina Danica, Oyo, Vico at Paulina at sa kanilang mga pamilya.

Sina Danica at Oyo Sotto ay mga anak ni Vic sa first wife nitong si Dina Bonnevie, si Vico ay anak ng TV host-comedian sa veteran actress na si Coney Reyes habang si Paulina naman ay anak ni Bossing kay Angela Luz.

Si Vico na lamang ang nananatiling binata at walang asawa sa naunang apat na anak ni Bossing sa tatlong magkakaibang babae at anim naman ang kanyang mga apo kina Danica at Oyo. Wala pa siyang apo kay Paulina at mister nitong si Jed Llanes na ikinasal nung January 1, 2017. Pinakabunso naman ni Bossing ang kanyang almost two-year-old daughter kay Pauleen na si Talitha Maria.

Just very recently ay nakitang nag-dinner ang mag-asawang Vic at Pauleen in Parañaque kasama si Angela at anak nitong si Paulina and husband na si Jed, isang indikasyon na walang gap sa pagitan ni Pauleen at sa mga ina ng mga naunang anak ng kanyang mister sa ibang babae.

Vic is 65 at 30 naman si Pauleen na kasing edad ng pangatlong anak ni bossing, ang pinakabata at bagong mayor ng Pasig na si Vico Sotto.

PBA legend na si Samboy Lim pinilit dumalo sa graduation ng anak

Kahit may sakit at naka-wheelchair ang dating PBA legend na si Samboy Lim (Avelino Borromeo Lim, Jr.) ay pinilit nitong makadalo sa gra­duation day ng kanyang kaisa-isang anak na si Jamie Christine Berberabe Lim na nagtapos na summa cum laude ng BS Mathematics sa University of the Philippines kamakailan lamang. Ito’y dinaluhan din ng ex-wife ng retired PBA player na si Atty. Darlene ‘Lelen’ Berbe­rabe, dating pinuno ng Pag-ibig Fund.

Si Samboy ay nagka-cardiac arrest at naging comatose nang ito’y mag-collapse sa isang exhibition game sa Ynares Sports Arena in Pasig several years ago pero ito’y muling naka-recover pero wala pa sa kanyang dating lakas at pangangatawan.

Samboy Lim is 57 at isa sa mga top PBA players nung dekada otsenta.

Luis / Jessy at Dennis / Jennylyn susunod na kina Angel at Neil?!

Engaged na ang The General’s Daughter star na si Angel Locsin sa kanyang boyfriend of almost three years, ang businessman at movie producer na si Neil Arce.

Hindi malinaw kung nung June 29 ang engagement date ng dalawa dahil ito ang araw na nag-post ng sunud-sunod sa kanyang Instagram account ang Kapamilya actress at celebrity endorser na may kinalaman sa kanilang engagement.

Matagal nang magkakilala at magkaibigan sina Angel at Neil pero nung 2017 lamang sila nagsimulang mag-date bilang magkasintahan.

Si Neil ay naging kasintahan ng actress-writer na si Bela Padilla ng mahigit apat na taon habang si Angel naman ay naging ex-boyfriend ang TV host-actor na si Luis Manzano na boyfriend nga­yon ng Kapamilya actress na si Jessy Mendiola.

Maraming mga kaibigan at kasamahan sa industriya ang nagpaabot ng pagbati sa bagong engaged couple.

Neil is reportedly has a son sa isang non-showbiz girl. Bago naging girlfriend noon ni Neil si Bela Padilla ay na-link din siya sa aktres na si Maxene Magalona na may asawa na rin ngayon, si Rob Mananquil.

Ngayong engaged na si Angel kay Neil, hindi kami magtataka kung susunod naman sina Luis Manzano at Jessy Mendiola gayundin sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Richard Yap papasok sa Kadenang Ginto!

Maraming fans ang natuwa nang malaman nila na papasok ang character ni Richard Yap as Leon sa top-rating afternoon TV series ng Kapamil­ya network, ang Kadenang Ginto na tinatampukan nina Francine Diaz, Andrea Brillantes, Beauty Gonzalez, Dimples Romana, Adrian Alandy at Albert Martinez na namatay na ang character sa nasabing serye.

Magiging business partner si Leon ni Romina (Beauty) at siyang tutulong na muling makaba­ngon sa negosyo. May hint na mali-link si Leon kay Romina.

Samantala, hindi pinalad si Richard sa kanyang unang attempt sa pulitika. Tumakbo si Richard sa pagka-kongresista sa kanyang distrito sa Cebu nitong nakaraang mid-term elections.

Kean nagbago ang buhay  nang magkapamilya

Hindi ikinakaila ng singer-musician-turned actor na si Kean Cipriano na nag-iba umano ang kanyang priority sa buhay ng magkaroon siya ng sarili niyang pamilya, ang kanyang wife na si Chynna Ortaleza at anak nilang si Stellar (3) na madadagdagan pa ng isang baby boy na nakatakdang isilang any day soon.

Bago nagkaroon ng pamilya si Kean ay naging priority umano niya ang musika. Although dito siya nagsimula at unang nakilala, music will always part of his being pero magiging top priority umano sa kanya ang kanyang pamilya ngayon at marami umano ang nagbago magmula nang siya’y magkaasawa at magkaroon ng anak. “Nagbago ang lahat,” aniya.

PAULEEN LUNA VIC SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with