^

PSN Showbiz

Angel inaapelang ‘wag iwanan ang career pagkakasal

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Angel inaapelang �wag iwanan  ang career pagkakasal
Angel Locsin at Neil Arce

‘Di ba ang kasunod ng isang marriage proposal ay kasal? Ngayong pormal nang engaged si Angel Locsin matapos niyang tanggapin ang marriage proposal ng movie producer na si Neil Arce sa kasagsagan ng kanyang pagiging artista, kapag hiniling ba ng kanyang fiancé na ma­ging maybahay na lamang siya and raise a family with him, iiwan ba niya ang kanyang pag-aartista? Hopeful ang fans niya na hindi hihilingin ng mapapangasawa niya ang ganito ka-extreme na sacrifice lalo’t pwede naman niyang pagsabayin ang kanyang trabaho sa harap ng kamera at ang pagiging isang maybahay, and later on ang pagiging isang ina.

Ang The General’s Daughter more than proves na malaki pa ang iuunlad at igaganda ang kanyang karera. Kung magpapakasal agad siya, huwag sana siyang ipagdamot ng kanyang mapapa­ngasawa sa publiko.

Toni hindi malimutan ng Dabarkads

Maganda ang naging pagtatrabaho ni Toni Gonzaga sa Eat Bulaga ng tatlong taon. Hanggang ngayon ay itinutu­ring pa rin siyang Dabarkads ng mga nakasama niya sa programa. Tumanggap siya ng isang basket na puno ng bulaklak at mga prutas bilang naging bahagi ng programa na nasa ikaapat nang dekada ngayon. EB is still celebrating its 40th anniversary. Masayang tinanggap ng ngayon ay isa nang Kapamilya ang mga regalo niya bilang isang Dabarkads pa rin.

Maris na-heartbroken kay Inigo

Kahit pala hiwalay na sila Inigo Pascual at Maris Racal at kahit hindi inilihim ng dalaga ang ginawang pananakit sa kanyang puso ng anak ni Piolo Pas­cual, pumayag silang magtambal sa isang pelikula na idinidirek ni Boy 2 Quizon para sa kumpanya nila ni Neil Arce na N2 Productions at ng Spring Films. May pamagat itong I’m Ellenya L, isang romcom, Inaasahan ng mga fans ng dalawa na baka magkaro’n ng reunion ang parehang naghiwalay o di kaya naman ay maging magkaibigan sila at hindi magkaaway. 

Friday hinihintay maghimala sa mga pelikula

Bigo na naman sa takilya ang dalawang pelikulang Pinoy na nag-open sa sinehan nung June 26, Miyerkules. Baka nga ngayong inilipat na sa araw ng Biyernes ang pagpapalit ng mga palabas na pelikula sa mga sinehan ay mas gumanda pa ang pagtanggap ng mga manonood sa mga lokal na pelikula, baka mas lumaki ang first day gross. Nakakalungkot na P300K lamang ang kinita ng Kontradiksyon nina Jake Cuenca at Kris Bernal sa unang araw ng pagpapalabas dito at P100K lamang ang sa Because I Love You nina David Licauco at Shaira Diaz. Sana nga ay magsilbing magic ang pagsisimula ng mga movies tuwing Friday para umunlad ang movie industry.

Sahaya isusubok kay Coco

Ang Sahaya nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali ang ipangtatapat ng GMA sa tatlong taon nang namamayani sa ere na FPJ’s Ang Probin­syano. Marami nang tumapat sa serye ni Coco Martin ang nangabigo, baka ang BiGuel ay swertihin. Maganda ang serye nila at pambato sila ng Kapuso Network, at may malaki silang following.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

NEIL ARCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with