Jake
Jake hindi makalimutan ang pagkikita nila ni Iron Man!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - June 30, 2019 - 12:00am

Hinding-hindi makalilimutan ni Jake Cuenca ang kanyang karanasan nang nag-aral ng Acting sa New York noong 2014. Nakita nang personal ng aktor si Robert Downey, Jr. sa isang klase nila noon. “Sa school no’ng nag-aral ako sa New York ng acting. ‘Yung first activity namin sa school manood ng premiere night ng The Judge. So Q and A kaming mga estudyante sa school kay Robert Downey, Jr.,” naka­ngiting kwento ni Jake.

Halos hindi makapaniwala ang binata na nagkaroon sila ng pagkakataon na makasama at makausap ang international actor. “Nagulat ako, maliit lang siya eh pero super gwapo. So talagang masa-starstruck ka talaga. Pero kung ano siya sa movie, kung ano siya as Tony Stark, gano’n siya sa totoong buhay. Kung paano siya magsalita, ‘yung hindi siya kumpor­table na nakaupo. So papalitan niya ‘yung chair, gusto niya kumportableng-kumportable siya,” pagdedetal­ye pa ng aktor.

Matatandaang nag-acting workshop si Jake sa Lee Strasberg Theater and Film Institute sa New York.

Matinding Bed Scene nina Kit at Kim, hindi pinagselosan ni Jerald

Napapanood na ngayon sa iwant.ph ang pelikulang MOMOL Nights na pinagbibidahan nina Kit Thompson at Kim Molina. Kontrobersyal ang nasabing pelikula dahil sa mapangahas na tema nito. “For us kasi it’s a brave material. If we were not able to portray our roles properly, I think baka magkaroon ng misconception. Kumbaga our role here as actors is to show the people na kahit sort of may pagka-liberated na ang ating mga millennials, meron pa rin silang natutulungan sa journey nila in life,” pahayag ni Kim.

Ayon sa stage, film at movie actress ay ngayon lamang siya nakagawa ng bed scenes at ngayon pa lamang din siya nakapagbida sa isang pelikula. “In fairness kay Kit, I told him it’s my first time, it’s my first lead, it’s my first bed scene,” kwento ng dalaga.

Kasintahan ni Kim sa totoong buhay ang komedyante na si Jerald Napoles. Hindi raw nakaramdam ng selos ang Kapuso actor kay Kit kahit na maraming bed scenes ang ginawa ng dalawa para sa nasabing digital film. “Actually sinabi ko po sa kanya. Akala ko parang mag-aala-boyfriend na reaction, pero hindi. Kasi he’s also an actor. Tinulungan niya pa ako sa choices na pwede kong gawin. Kasi mas ahead siya sa akin when it comes to acting. Sabi ko nga, ‘Magselos ka naman kahit konti. Maramdaman ko naman na magselos ka,’” natatawang kwento ng aktres.

Samantala, magkasama sina Kim at Jerald sa musical na Rak of Aegis na mapapanood nang muli sa PETA Theater mula July hanggang September. (Reports from JCC)

JAKE CUENCA JERALD NAPOLES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with