Alden/Kathryn movie inaasahang babawi
KathDen
Alden/Kathryn movie inaasahang babawi
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - June 30, 2019 - 12:00am

Pelikulang Because... At Kontradiksyon, ‘di umabot sa P500K ang kita!

Nakakalungkot ang resulta ng dalawang pelikulang ipinalabas nung nakaraang Miyerkules dahil hindi man lang umabot ng kalahating milyon ang kinita nila hanggang nung Biyernes.

Ang latest na nakuha naming figures mula sa aming sources ay mahigit 100 thousand pesos lang ang  kinita ng Because I Love You na pinagbidahan nina David Licauco at Shaira Diaz.

Nakasabay nitong nag-showing ang Kontradiksyon nina Jake Cuenca at Kris Bernal na halos 300 thousand pesos lang daw ang kinita.

Sa Hollywood film naman ay ipinalabas ang horror film na Annabelle Comes Home ay naka-P7-M daw.

Hindi naman nakakagulat kung hindi maganda ang box-office results ng dalawang local film pero hindi naman sana ganun kahina.

Hindi natin alam kung medyo mas maganda ang resulta kung ginawa nang Biyernes ang opening day nito.

Bukod pa diyan, parang masyado pang hilaw na ginawang bida sina David at Shaira, kaya sana medyo naghintay lang muna.

Hindi naman gaanong na-promote ang Kontradiksyon kahit dumalo pa si Pres. Rodrigo Duterte sa premiere night nito.

Ang inaasahan na lang ngayong babawi sa local films natin ay ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Goodbye na maganda ang pagkakalatag ng promo.

Kagabi ginanap ang kanilang Grand Fan Meet at Movie Merch launch sa South Park Alabang na dinagsa ng napakaraming fans.

Sunud-sunod na ang mall shows nila, at tiniyak din ng fans ang napakaraming block screening na ipina-schedule nila ngayon pa lang. Ang original na playdate na sinabi nila ay sa July 31. Pero hindi pa natin alam kung mababago ito kapag i-implement na Biyernes na ang opening ng mga pelikula starting July.

Camille sanay na kay Iya

Masayang ikinuwento nina Camille Prats at Iya Villania na suportado ni Suzi Entrata ang paglipat ng Mars sa GMA 7.

Alam naman ng lahat na si Suzi ang original host nito kasama si Camille, pero dahil sa nasa GMA na ito at mapapanood pagkatapos ng Unang Hirit, kaya hindi na itinuloy si Suzi at pinalitan ito ni Iya.

Sabi nga ni Camille, kahit nagkaka-separation an­xiety siya dahil hindi na si Suzi ang makakasama niya sa bagong Mars Pa More, hindi naman daw siya nahirapan sa transition dahil kasundo niya si Iya at matagal na rin silang nagkasama. “When I found out it was going to be her (Iya)…kumbaga, mixed emotions na I was of course sad, na-sepanx ako without Ate Suzi dito sa Mars. But when I found it was gonna be her, I knew right away that it was going to be an easy show. Kasi I’ve known her for a while dun pa sa kabila magkasama na kami.

“So, parang hindi na siya bago para sa akin. Pero yun talaga, may mga pagbabago lang talaga na nangyayari, but I just hope that you give Mars Pa More a chance,” pahayag ni Camille sa nakaraang mediacon nitong prog­rama na ginawa nang Mars Pa More.

Sa first taping nila ay kaagad kinumusta raw ni Suzi si Iya na umaasang tatanggapin din daw siya ng mga televiewer bilang ka-Mars. “I hope that the people will welcome to love me also as much as they loved Suzi.”

Sa July 8 na magsisimula sa GMA 7 ang Mars Pa More ng 8:50 nang umaga.

Si Alden Richards ang special guest nila sa pilot episode kasama ang panganay na anak ni Camille na si Nathan at ang panganay na anak ni Iya na si Primo.

Samantala, si Chariz Solomon ang pansamantalang hahalili habang wala pa si Camille na nakatakda nang manganak ngayong linggong ito.

Starstruck may nakakawindang na twist

Abangan mamaya ang Starstruck pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko, dahil maaring may magpapaalam na mamaya na isang Starstruck hopeful. Pagkatapos nilang dumaan sa kanilang first artista test na dinirek ni Mark Reyes, huhusgahan sila ng Starstruck Council na magbibigay ng 50 percent ng score. Ang matitirang 50% ay magmumula sa mga boto ng mga viewers. Kaya ang makakakuha ng lowest score ay magbibigay na ng kanyang final bow. Pero magkakaroon daw ng twist na ikawiwindang ng finalists at viewers dahil makakaapekto ito sa competition.

BECAUSE I LOVE YOU KONTRADIKSYON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with