olina Magdangal
Jolina level up sa career
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - June 29, 2019 - 12:00am

Hindi mo masasabing hindi nag-level up ang career ni Jolina Magdangal dahil isa siya sa matagumpay na celebrity show host ng Magandang Buhay, Kahit sabihin pang hindi siya nag-iisa at tatlo sila nina Karla Estrada at Melai Cantiveros, mabilis naman nilang napatunayan na keri nila ang task lalo’t nasa ikatlong taon na ang programa at patuloy pa ring tinatangkilik ng manonood. 

Hindi lamang sa pagiging host ipinapamalas ni Jolina ang kakayahan niya, maging sa pagkanta ay umaariba pa rin siya, nakikita na siya’t napapanood na kumakanta sa ASAP Natin ‘To. Siguro naman ay narinig niyo na kinuha siya ng Maalaala Mo Kaya para magbida sa isang episode nito. More comedy than drama ang mga ginagawa ni Jolina, pero ang paglabas niya sa pangunahing drama anthology ng bansa will require her to do more. Knowing Jolina, wala siyang ‘di kakayanin to prove her worth sa showbiz. Aber mapanood nga siya.

Lea tambak ang trabaho!

Aktibo na namang muli ang international ­singer na si Lea Salonga. Bagong endor­ser na siya ngayon ng isang brand detergent  na da­ting ineendorso ni Kris Aquino. Bukod dito, babalik pa siya sa The Voice Kids.

Makaya kaya ng sked niya ang mag-coach/mentor sa maraming batang sasali sa pakontes kung ganyang may musical din siya na gagawin sa Singapore? ang Sweeney Todd kasama si Jett Pangan ng bandang The Dawn. 

Oo nga’t sa November pa ito magsisimula, pero kakain ito ng oras niya para sa rehearsal nito at pag-aaral ng mga kantang gagawin niya for the show. Kung mgsisimula na agad ang TVK ay makakaya pa niya since pre-taped naman ang programa until the final moments na kailangan nang gawin ito ng live. Pero I’m sure magagawan ito ng paraan ng ABS-CBN if only to keep her in the show na nagtatampok din kina Sarah Geronimo, Bamboo Mañalac, Sharon Cu­neta na kapareho ni Lea ang trabaho. Balitang gagawa na rin ng movie ang Broadway star pero mangyayari sigurado ito kapag nakaluwag-luwag na siya sa sked niya.

Franchise nina Jenny at Angela Janine Guinto-Torres, nakasungkit agad ng title

Wagi sa kanilang unang venture bilang franchise holder ng isang beauty contest ang mag-inang Jenny Guinto at Angela Janine Guinto-Torres. Nasungkit ng unang representative na napili nila ang titulong Miss PH Grand Universe na si Alma Concepcion. This will bring more hopefuls sa mga susunod na beauty pageant na gagawin ng mag­inang beauty title holder via their Guinto Productions.

Ronnie at Loisa kanya-kanya muna 

Kahit sabihin pang hindi gaanong pinu-push ng magkaparehang Ronnie Alonte at Loisa Andalio ang kanilang loveteam, in fact, payag sila at walang prolema sa kanila na ipareha sila sa iba. Nagawang mapatatag ng dalawa ang kanilang loveteam at maganda silang suporta sa The General’s Daughter. Na-reach nila ng masaya ang kanilang 31st monthsary. Handa sila sa ano mang kahihinatnan ng kanilang pagsasama. Ang importante, masaya sila at walang tensyon sa kanilang trabaho.

JOLINA MAGDANGAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with