Aga-Bea zeleserye hinahanda na, Starla at Love Thy Woman nakabitin pa
May teleserye rin palang gagawin sina Aga Muhlach and Bea Alonzo bukod sa pelikulang pagtatambalan nila.
Kasalukuyan na raw itong nagkukumpleto ng cast. Pero ‘di pa sure nang nagkuwento kung kailan ang start ng taping.
Ayaw na raw mag-expect ng ibang mga kasama sa gagawing teleserye na magsisimula agad sila dahil sa nangyari sa Starla ni Judy Ann Santos at Love Thy Woman nina Kim Chiu, Xian Lim and Erich Gonzales na ang advice pala ay last January pa ang taping pero this month lang sila nagsimula.
Ang Starla ay nakaimbak na ang episodes for several weeks pero hindi raw mahanapan ng timeslot dahil ang original plan ay ipapalit ito sa Ang Probinsyano na malabo pang magtapos. May issue pa nga ngayong baka raw tanggalin na ang character ni Raymart Santiago sa comeback teleserye ni Judy Ann at first project sana ni Raymart sa Kapamilya Network na napapanood na ngayon sa Ang Probinsyano.
- Latest