^

PSN Showbiz

Sherilyn nakahanap ng bagong career sa online selling

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sherilyn nakahanap ng bagong career sa online selling

God really has a way of opening doors for us, Salve. Si Sherilyn Reyes-Tan, ang nanay ni Ryle Santiago ay isang example ng second chance to happiness.

Hindi man naging masaya ang ending ng kanyang unang relasyon, natagpuan naman niya kay Chris Tan ang second glory, ang pangalawang langit.

Ang ganda ng sinabi ni Sherilyn na kapag nagdarasal siya at nagpapasalamat, sinasabi niya kay God na kung bibigyan siya ng pagsubok, sana ‘yung makakaya niya at hindi masyadong mabigat sa puso.

Halos ayaw na ni Sherilyn na lumabas sa movie o television dahil bukod sa growing up ang anak na babae nila ni Chris, wala raw siyang mapag-iiwanan kaya ang pagiging ambassador at on line seller ng Beautederm products ang kanyang pinagkakaabalahan.

Pinatotohanan ni Sherilyn na okey na okey ang kita niya bilang online seller ng Beautederm products na sobrang ikinatutuwa niya.

Mahal na mahal si Sherilyn nina Rhea Tan ng Beautederm at Aileen Go ng MegaSoft dahil napakabait niya na kaibigan.

Sabi ko nga, kapag binibigyan ka ng pagsubok, si God din ang naghahanap ng solusyon sa problema mo at kung binigyan ka niya ng tears, sure ako na kasunod ang laughter at good exemple si  Sherilyn na happy and contented sa kanyang buhay.

Sa pagkakaalam ko, love na love ni Chris Tan si Sherilyn kaya pinakasalan niya ng tatlong beses ang kanyang misis.

Tunay na anak din ang trato ni Chris kay Ryle, ang anak ni Sherilyn sa former husband nito na mula sa Santiago clan.

Kapatid nina Randy at Rowell Santiago si Junjun, ang ex-husband ni Sherilyn.

Endorser si Ryle ng Cherub, isa sa mga produkto ng Megasoft at hindi ko ito nakakalimutan dahil invited ako noon sa bonggang presscon.

Kung hindi ako nagkakamali, ang apelyido ni Chris ang dinadala ni Ryle dahil legally adopted na ito ng kanyang stepfather. Screen name na lang ni Ryle ang family name ng biological father niya.

Beautederm may kape  na nakakapayat

Ang saya-saya ng Episode 19 ng Take It... Per Minute (Me Ganun) natin noong Tuesday, Salve.

Nakakatuwa dahil aside from the products na padala ni Rhea Tan, may inabot pa sa atin (Cristy Fermin at Mr. Fu ) na red envelope si Shyr Valdez.

Sobra talaga na alagang-alaga tayo ni Rhea na napakabait na big boss ng Beau­tederm, ang beauty products na sikat na sikat na ngayon.

Palagi ko nang naririnig ang pangalan ng Beautederm mula sa satisfied custo­mers. In fact, hindi lang pampaganda ang mga produkto ng  Beautederm dahil in demand din ang mga home product tulad ng mga room spray at linen spray.

Ngayon, may coffee product na rin ang Beautederm na nakakapagpapayat. Idagdag pa natin ang mga sabon na nakakapagpakinis at nakakapagpaputi ng balat.

Ang feeling nga ni Mr. Fu, nabanat at kuminis ang mukha niya mula nang gumamit siya ng Beautederm products.

Hay naku, kapag tinalbugan ako ni Bb. Tina Roa at Karen Martinez sa kagandahan, ayun na, sure na sure na ginamit nila ang lahat ng mga beauty product na ipinadala ni Rhea sa Take It…Per Minute. At least, alam ko na ang dahilan kaya mahal na mahal ni Tina sina Rhea at Shyr.

vuukle comment

RYLE SANTIAGO

SHERILYN REYES-TAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with