^

PSN Showbiz

Ruffa, takot pa ring mapatay ng dating asawa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ruffa, takot pa ring mapatay ng dating asawa
Ruffa Gutierrez

Hanggang ngayon ay nakararamdam pa rin umano ng takot si Ruffa Gutierrez sa dating asawa na si Yilmaz Bektas.

Ngayon ay maayos naman ang komunikasyon sa pagitan ng dalawa para sa kanilang anak na sina Lorin at Venice. “Would you believe until now I’m still afraid of my ex-husband? Even if he’s invited me so many times to go back, I don’t want to go back because I have this notion in my head that he will kill me. It’s very di­fficult. You learn from those lessons but when we discuss it, like right now, there’s still pain in my heart. So I guess you never really forget whatever those experiences have brought you. But you just learn and you move on,” pagtatapat ni Ruffa.

Matatandaang taong 2007 nang pumutok ang balita tungkol sa pisikal na pananakit ng Turkish businessman kay Ruffa. Mula noon ay nagkaroon na raw ng trauma ang aktres dahil sa kanyang mga naranasan kay Yilmaz. “I was actually even in denial. My parents were saying, ‘Why do you have black and blue spots in your body?’ I didn’t say anything until I couldn’t take it anymore and I was ready to leave my husband,” kwento ng aktres.

Hinihinakayat din ni Ruffa ang mga iba pang biktima ng pisikal na pananakit at pang-aabuso na magsalita at sumangguni sa mga ahensyang posibleng makatulong sa naturang problema. “It’s better to speak out and be free and not live in fear anymore than continue your life in a prison cell. If there’s any of you who are listening right now, if you’re getting beaten up by your husbands, there’s still life out there for everyone,” pagtatapos niya.

Ryan, parang bilyonaryo ang pakiramdam nang mahalikan si Angelica

Kamakailan ay napanood sa episode ng Banana Sundae ang paghalik ng dalawang beses ni Ryan Bang sa labi ni Angelica Panganiban. Birthday celebration noon ng aktor kaya masayang-masaya dahil natupad na ang matagal na nitong pinapangarap. “Ang pakiramdam ko noon parang nanalo ako sa lotto. Parang billionaire na ako,” nakangiting bungad ni Ryan.

Ayon sa aktor ay pinapangarap na niyang mahalikan si Angelica kahit noong wala pa sa show business. “Bago ako sumali sa PBB (Pinoy Big Brother), Ruby (teleseryeng pinagbidahan ni Angelica) ang pinapanood ko. Tapos noong magsimula ako sa Banana Sundae, ‘yon ang hiniling ko sa mga writer. Nagpakain ako, nagbigay ako ng regalo. Sabi ko, isulat n’yo naman para may halik kami ni Ate Angel. Sa wakas natupad na sa birthday ko. Pagkatapos ng sampung taon natupad na,” pabirong kwento ng binata.

Aminado si Ryan na malaki ang paghanga niya sa aktres at isa si Angelica sa pinakamalapit sa kanyang puso. “Sobrang close kami. Ilan lang pinakamalapit sa puso ko. Isa ‘yon, Angelica Panganiban. Sobrang malapit sa puso ko ‘yon. Mahal na mahal ko ‘yon. Pero noong umpisa crush ko siya. Ngayon bumalik na dahil sa kiss. Parang nakikita ko siya kung saan-saan,” dagdag pa niya. (Reports from JCC)

vuukle comment

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with