^

PSN Showbiz

Joross may alam tungkol kina Alden at Winwyn

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Joross may alam tungkol kina Alden at Winwyn
Winwyn Marquez at Alden Richards

Parang ayoko rin sanang paniwalaan ang isyu tungkol kina Alden Richards at Winwyn Marquez, pero narinig ko ring may ilang lakad daw ang Pambandang Bae na gustong isama si Winwyn.

Magkaibigan naman talaga ang dalawa dahil close sina Alden at Mark Herras. Kaya sabi ng ilang nakakuwentuhan namin, medyo hesitant daw si Alden na pormahan si Winwyn dahil nga friends sila ni Mark.

Kung magpapaalam pa siya kay Mark, baka mapunta na nga sa ligawan ang ending.

Isa nga sa napagtanungan namin ay si Joross Gamboa na naka-close na ni Alden dahil sa Hello, Love, Goodbye.

Hindi pa naman daw nila nakasama si Winwyn sa ilang lakaran nila.

Ang alam niya, lalabas daw sila dapat nina Alden kasama ang isa pang co-star nilang si Jeff Tam, at kasama dapat si Winwyn, pero hindi raw iyun natuloy. Pero kung ano mang namamagitan kina Alden at Winwyn, hindi naman daw nila kinakalkal.

Nagi-enjoy lang daw sila sa leading man ng Hello, Love, Goodbye dahil napakabait daw nito.

Talagang nag-bonding daw sila nang husto nung mag-shooting sila sa Hong Kong.

“Ang bait ni Alden. Sobrang tuwang-tuwa kami ni Jeff sa kanya. Walang ere,” bulalas ni Joross nang makatsikahan namin sa Piña Festival sa Ormoc City nung nakaraang linggo.

Naikuwento pa nga niya sa amin nung nagsu-shooting sila sa Hong Kong,  magkakatabi raw silang natulog kapag nagkukuwentuhan sila ng mga nakakatakot.

“Nagsimula yun, nagkuwentuhan kami ng nakakatakot. Tapos, nagpakitaan na ng mga picture na nakakatakot.

“Tapos no’n, umabot kami na nanood ng mga lumang palabas ng Magandang Gabi, Bayan. Mga Halloween episode.

“Cut to hinihila ko ‘yung kama palabas ng sala. Sabi ko sa kanila, ‘Pasensya na, hindi ko kaya! Dito ako matutulog sa sala!’ Eh si Jeff, natakot din, doon din natulog. Cut to si Alden, dala ‘yung mga unan niya, doon daw siya sa may sofa.

“So, kaming apat na magkakatabi — ako, si Alden, si Jeff at ang asawa niya, andoon sa gilid!

“Nag-pray kami, bago matulog. Ganoong level ng takot kasi ang inabot! Nagdadasal-dasal na kami bago matulog,” natutuwang kuwento ni Joross.

Kaya nga gustung-gusto sila ni Alden at ni-request niya yata na isama sila sa susunod na soap na gagawin niya.

Teka! May binubuong kuwento na raw ngayong soap para kay Alden. Naghaha­nap na raw sila ng bagay na leading lady. Bagay kaya si Winwyn Marquez?

Kapatid ni Ruru may gustong patunayan sa Starstruck

Ipinakilala na sa media ang labing-apat na finalists ng Starstruck na sina Pamela Prinster, Angelic Guzman, Dani Porter, Ella Cristofani, Shayne Sava, Lexi Gonzales at Rere Madrid sa babae, at sina Abdul Raman, Karl Aquino, Kim de Leon, Gelo Alagban, Jeremy Sabido, Jerick Dolormente at Allen Ansay sa mga boys.

Promising silang labing-apat pero sa boys,paborito ng karamihang reporters si Abdul. 

Cute ang dating niya sa lahat at natutuwa naman daw siya. Ina-assure niyang hindi siya magbabago at lalaki ang ulo niya sa mga papuri.

Napansin din ng mga bading si Jeremy Sabido. Doon nalaman na lumaki pala siya sa mga bading na nag-ampon sa kanya pagkatapos siyang iwan ng magulang niya.

Kinilig din ang mga bading sa isang finalist na si Jerick Dolormente dahil sa mga pabukol na pinu-post niya sa kanyang Instagram account.

Nasita lang siya nang makapasok na ito sa Starstruck kaya pinagtatanggal na niya ang iba niyang post na sexy ang dating.

Maganda rin ang 18-year old sister ni Ruru Madrid na si Rere. Pang-beauty queen ang dating na gusto rin daw niyang subukang sumali sa beauty competition.

Pero sa ngayon ay sa Starstruck siya naka-focus dahil gusto raw niyang patunayang kaya naman niyang mag-artista hindi dahil sa kapatid siya ni Ruru.

Pang-Magpakailanman naman ang kuwento ng isang finalist na si Shayne Sava.

Mahirap talaga sila na minsan nga ay nanghihiram na lang daw sila ng pamasahe para makara­ting sa GMA 7.

Napapanood ang Starstruck tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Daddy’s Gurl at sa Linggo pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko. Pero meron din sa YouTube channel nito, ang Inside Starstruck na hinu-host ni Kyline Alcantara.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

WINWYN MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with