^

PSN Showbiz

Showing ng mga pelikula, tuwing biyernes na!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Magandang balita ang hatid ng FDCP Chairperson Liza Diño pagkatapos ng meeting nila sa mga producers at theater owners.

Napagkasunduan na nila na gawing Biyernes sa halip na Miyerkules ang opening day ng mga pelikula, lokal at international.

Sisimulan daw nila ang alituntu­ning ito sa July 10. Naglabas na nga ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang Memorandum Circular No. 2019-01 kaugnay sa mga patakaran at guidelines sa pagpapalabas ng mga pelikula sa mga sinehan.

Ani Chairperson Dino; “This [Memorandum Circular] is the culmination of FDCP’s efforts to strengthen our industry practices and level the playing field for all our stakehol­ders — from film producers, to distributors, to our exhibitors, and even the audience -- through a transparent and fair set of guidelines that addresses the gaps that have long plagued our industry when it comes to screening films in commercial theatres.”

Tiyak na ipapalabas nang tatlong araw (Biyernes hanggang Linggo) ang mga pelikulang nakakuha ng booking.

Ibig sabihin daw niyan, walang screen splitting. Walang double booking or exhibition sa isang sinehan. Minimum na pitong araw ang showing ng mga pelikulang nai-book para sa theatrical release.

At para naman sa mga kabataan na maengganyong manood ng pelikulang Pilipino, ang tiket para sa mga estudyanteng 18 y/o and younger ay Two Hundred Pesos sa Metro Manila, at hindi lalampas sa One Hundred Fifty Pesos sa mga probinsya tuwing Miyerkules.

Ang Pinoy films na itinanghal sa mga sinehan ay maaari lamang ipalabas sa ibang platforms sa bansa makalipas ang 150 araw ng first day ng showing nito.

Boobs ni Marian Cup D na!

Payat na parang hindi lang nanganak ang Marian Rivera na bumulaga sa amin sa event ng Kultura sa SM Megamall kahapon ng hapon na kung saan nag-renew ng kontrata ang Kapuso Primetime Queen bilang brand ambassadress ng natu­ rang Pinoy products.

Kaya pala ang tingin ng iba ay medyo tumaba dahil lumaki ang dibdib niya.

Nagpapa-breastfeed kasi kay baby Ziggy ang aktres at proud na proud siyang kinuwento sa aming Cup D na raw ang size ng dibdib niya.

Kaya nga panay ang pump niya para makapagbangko ng gatas pag lumabas siya.

Hindi raw siya puwedeng mag-diet para pumayat dahil hindi raw puwede habang nagpapa-breastfeed sa baby niya. “Hindi ako puwede mag-diet kasi kapag nagpapadede ka mawawala yung nutrition, ano ang lalabas kung nagda-diet ako? Natural lang talaga,” napapangiti niyang pahayag.

Natutuwa nga ang mga taga-Kultura dahil si Marian daw ang typical Pinay Mom na nagbibigay inspirasyon sa mga kababaihan, mga ina na prio­rity ang pamilya, lalo na ang kanilang mga anak. Dalawang buwan pa lang siya nakapanganak at ito raw muna ang prio­rity niya sa ngayon. Kaya nga kapag tinatanong siya kung kailan na siya babalik sa trabaho, hindi pa raw niya masasabi sa ngayon.

Sinulatan na raw siya na kung puwedeng bumalik na siya, kaya pinag-iisipan pa raw niyang baka end of July ay mag-taping na siya.

Pero mga endorsement daw muna ang gagawin niya bago siya bumalik sa mga regular shows niya kagaya ng Sunday Pinasaya. Iba na raw ang buhay na meron siyang dalawang anak at siyempre ang asawang si Dingdong.

“Ang saya eh. Parang pangarap na ibinigay at ipinagkaloob talaga sa akin ng Diyos,” masaya niyang pahayag.

Sinundot namin ang tanong na posibleng siya ang magiging leading lady ni Dingdong sa Descendants of the Sun. Napangiti si Marian.

Kung ngayon daw siya tatanungin, “no” ang sagot niya dahil naka-focus siya sa pag-aalaga sa mga anak nila.

“Pero tingnan natin. Baka magbago rin ang isip ko,” pilyang sagot niya sa amin.

“Baka naman may napili na sila, hayaan na muna natin. Nakakahiya naman,” biglang bawi niya.

“Ang hirap mamili kasi may newborn ako two months pa lang.

“Although, baka naman mag-adjust. Pero sabi ko nga…ang hirap kasing magsabing ‘yes kaya kong gawin, hindi naman pala.

“Hindi naman binigay sa akin. Hindi naman sinabi sa akin na o ikaw to,” dagdag niyang pahayag.

Pero nagtilian ang fans nang binanggit namin ang posibilidad na siya ang makaka-partner ni Dingdong sa DOTS. Kaya malay nga natin. Baka may mga mabago pa sa mga desisyon nila.

Abangan na lang, Pero sa ngayon ay okay na si Marian. Masaya na siya sa mga natamong mga endorsement kagaya nga nitong Kultura na malapit na rin daw silang maglabas ng line of T shirts na mala-Marian ang look.

Cast ng Kara Mia malungkot na agad

Wala pa kaming ideya kung ano ang ipapalit sa Kara Mia na malapit na ring magtapos.

Dapat nga ang Rosang Agimat pero malabo pa ito, kaya marami na nga ang nagsasabing bakit hindi na lang i-extend itong serye nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz dahil marami na ang nagkaka-interes sa kuwento nito.

Pero patapos na ang taping nila at sinasabi nga ng ibang cast na talagang magkaka-separation anxiety daw sila dahil iba raw talaga ang closeness nila sa set.

vuukle comment

LIZA DIñO

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with