^

PSN Showbiz

Alyssa Valdez inaabangan kung sisikat ding artista!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Alyssa Valdez inaabangan kung sisikat ding artista!
Alyssa

Fan pa rin kaya ako ni Alyssa Valdez ngayong artista na siya sa pelikula?

Nagsimula akong humanga sa kanya nang una ko siyang mapanood na naglalaro ng volleyball para sa koponan niyang Ateneo de Manila University, sa UAAP. Pero ‘di tulad ng maraming tagahanga na tumitili sa kanilang mga idolo, quiet lang ako at hindi makapagsalita kapag kaharap ko na ang mga hinahangaan kong celebrity.

In my many decades as an entertainment writer, once or twice ko pa lamang nai-interview si Christopher de Leon o si Chad Borja, pero si Moira dela Torre hindi pa. Hindi kasi ako makapagisip kapag kaharap ko na sila.

Si Alyssa, several times ko nang na-meet, at kahit like na like ko nang magpa-picture sa kanya o interview-hin siya, never ako nagkalakas ng loob, Ganun din kina Boyet, Chad at Moira. Masaya na ako na hangaan sila from a distance.

Na-excite ako nang malaman kong may movie nang ginagawa o nagawa ang paborito kong volleyball superstar. Ito ay ang My Letters To Happy kasama sina Glaiza de Castro at TJ Trinidad. Palabas na ito next month, July 17 to be exact. Nagtaka ako dahil ‘di ko knows kung marunong umarte si Alyssa, kung sing galing ba ng paglalaro niya sa hardcourt ang pag-arte na ipamamalas niya sa big screen, maa-appreciate ko ba siya as a movie star more than an athlete? Fan kasi niya ako because of her playing. Ewan ko kung magpapatuloy ang paghanga ko sa kanya ngayong artista na siya. Panonoorin ko ba ang pelikula niya kapag nakasabay ito ng isang game niya sa PVL? Iniisip ko pa.

May Bukas Pa ni Zaijian bubuhayin

I was wondering kung bakit lumalabas uli ang seryeng nagpasikat ng husto kay Zaijian Jaranilla, ang May Bukas Pa, ‘yun pala ay ibabalik ito sa ere na mahigit 10 years ago na nang umere.

Kung gagawan ito ng remake, mas maganda kung ang mabibigyan ng pagkakataong  gumanap uli ay iyong mga bata na kasalukuyan pa lamang nagsisimulang mag-establish ng kanilang mga paniniwala at panuntunan sa buhay.

Parang hindi na kasi believable na isang adult na ang makakapiling at makakausap ng Diyos na katulad ng ginawa ng character niyang Santino of old MBP na tinanggap at pinaniwalaan ng lahat ng manonood ay isang alagad kundi man anak ng Ama sa langit.

Mga nag-aartista mabilis ang pag-unlad

Kaya naman marami ang lumilinya sa pag-aartista ay dahil sa mabilis na pag-unlad ng buhay ng may mga ganitong trabaho.

Si Seth Fedelin na hindi nag-top 4 sa Pinoy Big Brother Otso at maagang na-evict ay may sarili na ngayong eksena sa seryeng Kadenang Ginto, at katambal pa si Andrea Brillantes, to think na ang bilis niyang magkaroon ng sarili niyang sasakyan at baka bukas-makalawa’y may bahay na rin siya, huwag lamang magbago ang usad ng kanyang suwerte.

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

ZAIJIAN JARANILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with