^

PSN Showbiz

John Lloyd tatlong taon nang tahimik ang birthday

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd tatlong taon nang tahimik ang birthday
JLC

Magkasabay ang birthday ng mag-ex na sina John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez last June 24 na nataon din sa Araw ng Maynila. John Lloyd turned 36 at 45 naman ang panganay nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Halos tatlong taon na rin magmula nang humingi ng indefinite leave (of absence) from showbiz ang Kapamilya actor na si John Lloyd kasama ang kanyang partner ngayon na si Ellen Adarna at magmula noon ay namuhay ng simple ang magkasintahan kasama ang kanilang anak na si Elias Modesto who will turn one-year old bukas, June 27.

Hindi malinaw kung nag-celebrate si John Lloyd ng kanyang birthday with his and Ellen’s friends o silang dalawa lamang ni Ellen kasama ang kanilang anak na si Elias.

Kahit mas gusto ngayon ni John Lloyd ang simpleng pamumuhay, hindi pa rin tumitigil ang kanyang mga tagahanga sa pag-asang muli nitong babalikan ang kanyang showbiz career.

Ruffa tuloy ang relasyon sa BF na ayaw ni Annabelle

If there’s one thing na gustong ipagpasalamat ni Ruffa Gutierrez sa kanyang Turkish ex-husband na si Yilmaz Bektas, ito’y ang pagkakaroon niya ng dalawa niyang magagandang angels, ang dalawa niyang anak na si Lorin at Venice na parehong tinedyer na ngayon.

Masaya si Ruffa ngayon sa kanyang personal na buhay at matagal-tagal na rin ang relasyon nila ni Jordan Mouyal, ang kanyang French-Israeli businessman boyfriend kahit ayaw sa kanya ng ina ni Ruffa na si Annabelle Rama.

Si Ruffa ay malapit na ring mapanood sa isang bagong teleserye ng ABS-CBN.

Lovi sa L.A. natisod ang bagong dyowa

Animo’y royal couple ang peg ng Kapuso star na si Lovi Poe kasama ang kanyang rumored bagong boyfriend, ang US-based British writer-film producer na si Montgomery Blencowe nang sila’y dumalo at manood sa Royal Ascot horse racing event in Ascot Berkshire, England kamakailan lamang. Si Mont (short for Montgomery) ay nakilala ni Lovi in her recent long visit sa Los Angeles, California at mukhang they hit it off immediately dahil nasunod na rito ang madalas nilang pagkikita at pagdi-date sa L.A.  Ito marahil ang dahilan kung bakit natagalan si Lovi ng pamamalagi sa L.A.

Si Mont na nga kaya ang hinahanap na `Mr. Right’ ng dalaga ng yumaong movie king na si Fernando Poe, Jr.

Ano sa palagay mo, Salve A.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with