^

PSN Showbiz

Direk Toto nagparamdam na!

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Direk Toto nagparamdam na!
Toto

SEEN: Ngayon ang opening day sa mga sinehan ng Because I Love You, ang launching movie nina David Licauco at Shaira Diaz na mapalad dahil si Joel Lamangan ang direktor ng pelikula nila. Mahal ni David ang kanyang acting profession pero hindi siya magdadalawang-isip na talikuran ang showbiz kapag sinabi ng kanyang ama na tulungan niya ito sa pag-aasikaso sa kanilang mga negosyo.

SCENE: “Salamat po sa karanasan, kaalaman at respeto. We will miss you,” ang nag-iisang statement ni Toto Natividad tungkol sa pagpanaw ni Eddie Garcia. Si Toto ang direktor nang maaksidente si Eddie sa set ng Rosang Agimat noong June 8. Marami nang pinagsamahan na proyekto ang dalawa at naging direktor din ni Eddie si Toto sa Ang Probinsyano ng ABS-CBN.

SEEN: Hindi pa ipinapalabas ang Kaputol sa mga sinehan pero inihahanda na ni Alfred Vargas ang kanyang susunod na project. Ang Kaputol ang pelikula na pinagbibidahan nina Alfred at Cherie Gil.

SCENE: Inspired at masaya ang cast ng Bihag dahil pataas ang ratings ng afternoon drama series ng GMA 7. Sina Max Collins, Jason Abalos, Neil Ryan Sese at Mark Herras ang lead cast ng Bihag.

SEEN: Nagsimula na ang shooting ng Cuddle Weather, ang pelikula ng Regal Entertainment Inc. at Project 8 corner San Joaquin Projects na balak isali sa Pista ng Pelikulang Pilipino sa Sepetmebr 2019. Sina Sue Ramirez at RK Bagatsing ang mga bida sa Cuddle Weather. Napaghandaan ni Sue ang shooting ng Cuddle Weather dahil lumiit na ang hugis ng kanyang mukha sa tulong ng Thermage FLX procedure ng Belo Medical Group. Siopao face ang dating tawag ni Sue sa sarili niya.

SCENE: Surreal ang pakiramdam ni Alden Richards nang tumuntong siya kahapon sa bakuran ng ABS-CBN para sa courtesy call niya sa Kapamilya network executives, video plugs at promo shoot ng Hello Love Goodbye, ang pelikula nila ni Kathryn Bernardo na mapapanood sa cinemas nationwide sa July 31, 2019.

vuukle comment

DAVID LICAUCO AND SHAIRA DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with