^

PSN Showbiz

Kapalaran ng Rosang... nabinbin pa!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kapalaran ng Rosang... nabinbin pa!
Gabbi Garcia

Nagtatanong pa rin ang fans tungkol sa magiging kapalaran ng Rosang Agimat, ang primetime teleserye ng GMA 7 matapos mangyari ang aksidente na naging dahilan ng pagpanaw ng legendary actor na si Eddie Garcia.

May mga tsismis na shelved na ang project samantalang hoping naman ang fans ni Gabbi Garcia na matutuloy ang launching teleserye niya sa kanyang home studio.

Mahirap mag-speculate. Wait na lang tayo sa official announcement ng GMA Network Inc.management dahil sure naman na may ilalabas sila na pahayag para masagot na ang katanungan ng mga curious na malaman ang katotohanan.

May mga nagsasabi na huwag nang ituloy ang television series dahil magpapa­alaala lamang ito ng malungkot na nangyari kay Eddie pero may mga opinyon na huwag kanselahin ang prog­rama bilang ito rin ang siguradong gugustuhin ng pumanaw na aktor na kilalang-kilala sa kanyang professionalism at pagmamahal sa industriya.

Tapatang Nora at Vilma hindi na mapantayan

Noong Linggo ang huling araw ng lamay para sa cremated remains ni Eddie Garcia at kabilang sina Vilma Santos at Nora Aunor ang mga nagbigay-pugay sa kanya sa huling pagkakataon.

Maraming beses na nakatrabaho nina Nora at Vilma si Eddie bilang aktor at direktor.

Si Eddie ang direktor ng Atsay, ang 1978 movie ni Nora na down na down noon ang career at personal life.

Nakabawi nang husto si Nora nang gawin niya ang Atsay na official entry sa 1978 Metro Manila Film Festival.

At dahil sa dami ng mga problema noon ni Nora, last card na niya ang Atsay ang nagkakaisa na hula ng mga tao pero nagkamali ang detractors ng superstar.

Win si Nora ng best performer trophy sa 1978 Metro Manila Film Festival at dito niya sinabi ang kanyang classic speech na “Mamay, mali ang hula nila.”

Best director ng 1978 MMFF si Eddie dahil sa kanyang mahusay na direksyon sa Atsay na tinanghal din na best picture.

Dahil sa mga parangal na napanalunan ng Atsay, pinilahan ito sa box office kaya sumigla uli ang acting career ni Nora.

Kainitan ng Nora Aunor-Vilma Santos rivalry noong 1978.

Kung ang Atsay ang filmfest entry ni Nora, ang Rubia Servios naman ang pelikula ni Vilma na kasali sa MMFF 1978.

Bongga rin ang Rubia Servios dahil ang Sampa­guita Pictures ang producer at si Lino Brocka lang naman ang direktor.

Ang hula ng marami, si Vilma ang mananalo na best actress dahil kilala rin na magaling na direktor si Lino pero natalo siya ni Nora. Kung si Ronald Corveau ang love interest ni Nora sa Atsay, sina Mat Ranillo III at Phillip Salvador naman ang leading men ni Vilma.

Masyadong kontrobersyal noon ang MMFF 1978 dahil for the first time, best performer lang ang parangal na iginawad. Walang kategorya ng best actor at best actress kaya ang ingay-ingay noon ng filmfest na lalong pinaingay ng mga nag-aaway na fans nina Nora at Vilma.

Kakaiba talaga ang rivalry noon ng dalawa na never nang mauulit sa panahon ngayon dahil nag-iisa lang ang Nora at Vilma ng Philippine cinema.

Hindi na rin mapapantayan o mahihigitan ng mga sikat na aktres ngayon ang achievements nina Nora at Vilma na tunay na mga showbiz icon.

vuukle comment

EDDIE GARCIA

GABBI GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with